Ganap na pinasalamatan ni Punong Barangay Alvin P. Isleta si Congressman Loreto S. Amante dahil sa tulong nitong ang Barangay San Agustin (Alaminos) ay mapagkalooban ng isang Multi-Purpose Building na natayo sa kahabaan ng Barangay Road sa Purok Tres, na pinagpasiyahan ng Sangguniang Barangay na gamiting Health Center sapagkat ito ay hindi lubhang kalayuan sa mga bakuran ng San Agustin Elementary School at ng B. E. Fandialan Integrated National High School at ng Barangay Administrative Hall na mga designated Evacuation Center kung magkakaroon ng kalamidad o mga pangkagipitang pangyayari. Pasasalamat din ang ipinaabot kay Mayor Glenn Pampolina Flores dahil sa tulong ng Alaminos Municipal Government na maihanda ang mga technical requirements para matulungan ang kongresista na ang pagpapatayo ng bulwagan ay malakip sa Annual Budget ng National Government (DPWH) para sa Taong 2023. Ginawa ni Punong Barangay Isleta ang pahayag nang ang bagong tayong Multi-Purpose Building ay pasinayaan ng Mambabatas, at mabasbasan ni Padre Park Ebones ng Simbahang Catolico, noong nakaraang araw ng Miyerkoles, Pebrero 14, na sinaksihan ni District Engineer Napoleon T. Abril ng DPWH Laguna 3rd District Engineering Office na nangasiwa sa pagtatayo ng gusali, at ng lahat ng mga bumubuo ng San Agustin Barangay Council. (Ruben E. Taningco/Photo: Kagawad Pros A. Deriquito)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.