Nagpapaalaala si City Administrator Larry S. Amante, sa pangalan ni Alkalde Vicente B. Amante, tagapangulo ng Search and Awards Committee para sa Pilian ng Mga Namumukod Tanging San Pableño (The Outstanding San Pableño) para sa Taong 2024, kaugnay pagdiriwang ng ika-84 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod ng San Pablo, na ang pinakahuling pagkakataon para makapaglahad ng nominasyon ay sa tanghaling tapat ng Biyernes, Abril 12, 2024 gaya ng itinatagubilin ng City Ordinance No. 2015 – 49, sa Office of the City Tourism Officer na nasa Tourism Information Center sa Doña Leonila Urban Park, kung saan doon din makakahiling ng prescribed nomination form.
Para sa karagdagang impormasyon, ang lahat ay may layang makipag-ugnayan kay Miss Luzviminda Maria S. Migriño sa City Tourism Office na may telepono bilang (049) 562 – 1429, at email address na: tourism.sanpablo@yahoo.com. (TOSP: Search and Awards Committee)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.