Tinanggap ni Mayor Vicente B. Amante ang Certificate of Appreciation mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office IV-A na nilagdaan ni Director III Bryan B. Babang, PDEA Regional Director. Personal na ipinagkaloob nina Provincial Officer Juancho Esteban at Agent Jill Gobris ng PDEA Laguna ang nasabing sertipiko bilang pagkilala sa mahalagang tulong ni Mayor Amante sa PDEA IV-A, para sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin at programa laban sa illegal drugs sa buong rehiyon. Kasamang nagkaloob ng award sina CADAC Focal Person at Balay Silangan Reformatory Facility (BSRF) Head Purificacion P. Morales at BSRF Administrative Staffs Amabella M. Reyes at Carmila Florifi P. Morales. (CIO/Nanz/Neng)