ni Selina Untivero Cabaluna
Hindi biro ang serbisyo at paglilingkod na ginagawa ng mga guro sa ating mga kabataaan. Kung kaya bukod sa kapakanan ng mga batang mag-aaral ay pinapahalagahan din ang kapakanan ng mga guro sa mga paaralan.
Ngayong nalalapit na ang 5 day In- person classes ng mga mag-aaral, inaasahang mas dumarami pa ang suliraning kakaharapin ng mga edukador sa bansa: isa na nga rito ang isyu sa workload ng mga guro sa kasalukuyan. Bukod kasi sa nakasanayang pagtuturo ng mga aralin ay nariyan pa ang tinatawag nilang administrative functions., kung kaya hindi naiiwasang lumagpas na ang ilan nating mga guro sa kanilang nararapat na workload. Ang mga nabanggit na administrative fuctions tulad ng paggawa ng mga reports at kung ano- ano pang gawain ay nagiging dahilan upang mapabayaan ng mga guro at kani-kanilang physical at mental health . Dagdag pa rito ang kawalan na nila ng panahon para sa kani-kanilang pamilya at personal na buhay. Minsan pa nga ay nagkakaroon na rin ng pag-aalsa ang ilan nating mga kaguruan. Diumano ang nasabing karagdagang resposibilidad ay sanay alisin na sa kanila upang maituon na lamang nila ang kanilang pokus sa pagpapatuto ng mga mag-aaral na siya naman talagang pangunahing tungkulin ng mga guro..
Sa kasalukuyan, inaasahan na ilalabas na ang sinasabing workload balancing tool na inisyatibo ng kagawaran upang matugunan ang isyu sa mga overwork na guro.
Kung masosolusyunan tiyak maraming guro ang magagalak, dahil tuluyan ng mababawasan ang stress na dulot ng labis na pagtatrabaho nila bilang guro.
Para sa kabatiran ng lahat, ang opisyal na workload ng isang regular na guro ay 6 hours workday sa eskwelahan at 2 hours para sa paggagawa ng iba pa nilang task na pwedeng naman gawin nila sa kani-kanilang bahay.. Sang-ayon ang mga nabanggit sa Magna Carta Policy na inilabas ng Civil Service Commision.