ni Nelsie J. Albarico
Inihayag nitong Hulyo lamang ng taon ang Executive No. 174 na pinamagatang “ The Expanded Career Progression System for Public School Teachers”. Kung saan dito inihayag ang mga panibagong likhang posisyon tulad ng : Guro IV, Guro V, Guro VII, at ang Dalubguro V na sinasabing itataguyod ang propesyunal na pag-unlad at isusulong ang karera ng mga kaguruan sa mga pampublikong paaralan.
Sa kasalukuyan ay lubhang nasasabik na ang ilan sa ating mga kaguruan kung saan ng aba tayo dadalhin ng inisyatibong ito ng ating pamahalan. Ito ba ay sagot na sa nakabinbing pangangailangan ng guro sa mga paaralan? o tugon na sa mga naglipanang hinanaing lalo’t higit sa aspetong pinansiyal ng mga guro.
Ganunpaman, nananatiling nakalutang parin ang mga kasagutan rito sapagkat hindi pa nailalabas ang direktiba kung paano ba isasakatuparan ang nasabing Expanded Career Progression na mahahati sa apat na kategorya: Beginning, Proficient, Highly Proficient at ang Distinguished Stage.
Ganunpaman, sa pamamagitan ng mga nabanggit na career stages ay hindi na kinakailangan pang maghintay ng ating mga kapwang nasa sector ng pagtuturo na maghintay pa ng natural vacancy o bakanteng posisyon para lamang ma promote sa masa mataas na antas. Maari na silang direktang mag apply for reclass basta taglay nila ang mga katangian at pangangailangang nakasaad sa Philippine Professional Standards for Teachers o PPST.
Sa huli, marapat lamang na ipagpatuloy ang mga inisyatibong tulad nito na magtitiyak na patuloy na magiging produktibo at motivated ang mga guro sa kanilang pagganap ng kanilang sinumpaang propesyon.