ni Oliva C. Polias
Sa nakalipas na mahigit dalawang taon ng panuruang sakop ng pandemya, naging kaakibat na sa mga regular na gampanin ng mga guro ang paghahanda ng kani-kanilang lesson plan. Sa panahon ng pandemya ay ipinakilala ang Weekly Home Learning Plan (WHLP) bilang siyang sandigan at gabay ng mga guro sa pagtuturo sa kani- kanilang klase. Tulad ng mga nagdaang lesson plan, ang nasabing WHLP ay nakasalalay din sa ipinatutupad na Class Program ng isang guro at nangangailangan din ng pagwawasto at pahintulot g pinuno ng paaralan bago isakatuparan.
Bilang karagdagan, ang nasabing home learning plan ay nararapat naka linya sa mga itinakdang competencies ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang tinutukoy na kompetensis, ay mas kilala sa katawagang MELCS o Most Essential Learning Competencies para sa bawat asignatura.
At dahil mahigpit na ipinagbabawal noon ang pagsasagawa ng actual na face to face classes, ang nasabing pansamantalang lesson plan ay dapat nakaangkla sa mga ipinagkaloob na self-leaning modules nitong panahon ng pandemya, kung saan dapat maipapakita kung paano maisasakatuparan ang nasabing plano sa paraang distance o blended learning. Inaasahang tutulong din ito upang maantabayanan ang pang araw -araw na pag-aaral ng bata mapa in-school o off -school man ito.
At ngayon nga na nalalapit na ang mandatong pagbabalik ng lahat ng mag-aaral sa paaralan, at wala ng distance learning na magaganap ay muli na ring gagamitin ng mga guro ang na kasanayan noong Detailed Lesson Plan ( DLP) o di kaya’y Daily Lesson Log( DLL) na siyang nakasaad sa DepEd Order No. 42 s. of 2016 o Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Education Program na siya namang itinakda para sa mga nagsasagawa ng face to face classes. Kakailanganin na naman ang mga curriculum at teachers guide maging ang mga available learning materials. Masasaksikan na namang muli ang mga content at performance standards para sa bawat aralin.
Sa muling pagbabalik ng DLL At DLP ay naway manumbalik na rin ang datihang sigla ng mga nakasanayang pag-aaral sa paaralan, at higit sa lahat ang tuluyang pagtatapos nitong pandemya.