ni Mylene Pomentil Rubin
Edukasyon ang sinasabing pinakamahalagang sandata ng tao sa kanyang araw -araw na pamumuhay. Ika nga ito ay isang kayamanan na pamana sa atin ng ating mga magulang na hindi maagaw sa atin ng sinuman. Ang taong may sapat na edukasyon ay mas malaki ang tiyansa na makamit ang kanyang mga minimithi o pangarap. Inilalayo din nito tayo sa kahirapan at kamusmusan sa mga bagay- bagay. Ilan ang mga ito sa masasabing dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng lahat sa edukasyon. Ngunit, kamusta na nga ba ang edukasyon sa kasalukuyan?
Sinasabi na ang edukasyon ngayon upang maging de kalidad ay dapat sumasabay sa agos ng kasalukuyang trends hindi lamang ng sariling bansa ngunit maging sa pandaigdigang konteksto. Na dapat ang ating mga -aaral ay nakatutugon sa pangangailangan at hamon na dulot ng nasabing pagbabago, upang sa huli ay makapa-ambag din sa pandaigdigang pag-unlad.
Kung ating pagninilayan , wari’y tila nakakaalarma na ang estado ng edukasyong natin sa kasalukuyan. Lalo’t higit ngayon. kung saan ang datihan ng mababang estado ng pagkatuto ng mga kabataan sa ating mga paaralan ay lalo pang pinalala ng nararanasang pandemya. Nariyan ang lumalaking bilang ng mga batang hindi nakakabasa, mga batang nakakabasa nga pero wala namang pagkaunawa sa mga tekstong kanilang binasa o napakinggan, mga batang mag-aaral na hindi makasagot kahit simpleng arithmetic problems at kung ano ano pang scenario sa eskwela na higit na nagpapatunay ng patuloy sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Bilang tugon sa kinakaharap na suliraning ito, iminumungkahi ngayon ng kagawaran ang pagsasagawa ng isang curriculum review, na naglalayong tugunan ang mga puwang sa pag-aaral na nararanasan ng mga batang mag- aaral. Bibigyang pokus ang pag-aaral sa mga nilabas na competencies mula sa kindergarten hanggang sa Baitang 10 gayundin ang kasanayan sa pagbasa ng bawat mag-aaral sa paaralan. Inaasahan na sa mga darating na mga araw ay ng pagsasagawa ng nasabing pagsusuri sa kurikulum kung eto nga bay epektibo o kung depektibo man ay matukoy na ang mga hakbanging magdudulot ng muling pagbangon at pag-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Sa kabilang dako, nauna ng ipinahayag ng Deped ang polisiyang “ No extra -curricular activities “ ngayong taong panuruan 2022-2022 upang higit na mabigyang atensiyon ng mga guro at kabataan ang mga pang akademikong aralin.