Personal na pinangunahan ni Congressman Loreto S. Amante ang pamamahagi ng tulong sa 1,245 residente ng Ika-3 Distrito ng Laguna noong Huwebes ng umaga, Marso 14, na ginanap sa San Pablo City Multi-Purpose Convention Center sa Brgy. San Jose (Malamig) sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) Program na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itinaguyod ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ang pamamahagi ng tulong, ayon kay dating CSWD Officer Grace D. Adap, na ngayon ay kasangguni sa Tanggapan ng Mambabatas, ay ang Social Welfare and Development (SWAD) Team sa Laguna.
Napag-alaman mula kay Adap na hindi pare-pareho ang tulong na ipinagkaloob sa mga beneficiary kung saan ang halagang ipinagkakaloob ay batay sa pangangailangang ipinarating mismo ng tutulungan. Halimbawa, sa medical assistance at dito ay kasama na ang pagtigil sa ospital; tulong sa palibing; at tulong sa pagpapaaral. (Ruben E. Taningco)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.