The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home News

Fire Square Roadshow, isinagawa sa SM San Pablo

ni Ruben E. Taningco

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
March 20, 2024
in News
Reading Time: 2 mins read
Fire Square Roadshow, isinagawa sa SM San Pablo
10
SHARES
37
VIEWS
Bilang pagtalima sa layunin ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month kung Buwan ng Marso na makalikha ng ligtas sa sunog at matibay na pamayanan, ang Bureau of Fire Protection (BFP) Laguna Provincial Office sa pamamatnubay ni FSupt. Arlene A. Balais bilang Provincial Fire Marshal at sa pangangasiwa ni FCInsp. Adrian S. Dela Cruz, City Fire Marshal ng Lungsod ng San Pablo, ay naglunsad ng “Fire Square Roadshow” sa atrium ng SM City San Pablo noong nakaraang Martes.
Ang aktibidad ay sa pakikipag-ugnayan kay Assistant Mall Manager Edessa P. Sibug, na dinaluhan nina Chief of Staff FSSupt. Shiela C. Andrade ng BFP-Region IV-A, at Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Aldwin M. Cejo bilang kinatawan ni Gob. Ramil L. Hernandez.
Ayon kay FSSupt. Andade, ang Fire Square Roadshow ay isang interactive o tuloy-tuloy na daloy ng impormasyon mula sa BFP patungo sa publiko upang ang mga karaniwang mamamayan ay maturuang itanim sa kanilang kaisipan ang kultura ng pagiging ligtas sa sunog.
Wastong paggamit at pangangalaga ng iba’t ibang uri ng fire extinguisher; pagkilala sa pinagmumulan ng sunog, upang mabatid ang angkop na pamamaraan upang ito ay masugpo; at maging ang mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan upang ang komunidad ay magawang ligtas sa sunog, ay dapat na maging bahagi na ng kaisipan o instinct ng mga tao at ito ang pinagsikapang maitanim sa kaisipan ng mga mamamayan sa ginagawa ng Bureau of Fire Protection sa pagtataguyod ng Fire Square Roadshow, at mga fire drill.
Si FSSupt. Andrade ay natalagang San Pablo City Fire Marshal noong 2016 kung kailan kanyang ikinampanya na iwasan ang magtingi ng gasolina na nakasilid sa malalaking botelya ng soft drink, at iwasang mag-imbak ng tangke ng LPG o gas kung walang imbakan o storeroom para sa mga tangke, sapagkat iyong ay lubhang mapanganib ingatan sa hindi angkop na kaayusan. At pamilyar siya na ang pangasiwaan ng SM City San Pablo ay lubhang matulungin sa pagpapatupad ng mga palatuntunan ng Kawanihan ng Pangangalaga Laban Sa Sunog.
Ang kanyang pagdalo ay parang re-union umano nila nina Mall Manager Sibug, PR Manager Niña P. Wong at iba pang mga management staff.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Previous Post

PILIAN NG NAMUMUKOD TANGING SAN PABLEÑO 2024

Next Post

SERTIPIKO NG PAGKILALA NG PDEA IV-A kay MAYOR AMANTE

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

September 16, 2025
Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

September 15, 2025

DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

Laguna PNP equips patrol vehicles with CCTV units

Laguna LGU to put up help desks in state-run hospitals

CARD Bank launches new konek2CARD on its 28th Anniversary

Latest Stories

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

September 16, 2025
Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

September 15, 2025
DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

September 13, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US