The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home Opinion

Kakulangan Ng Guro: Dapat Aksiyunan

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
October 20, 2022
in Opinion
Reading Time: 1 min read
The Wednesday Herald – One of Laguna’s Oldest and Most Trusted Weekly Newspaper
7
SHARES
25
VIEWS

ni Melainie U. Viterbo

Sa napipintong pagbabalik na pangkalahatan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ngayong Nobyembre ay tiyak aasaahan muli ang ilang kaganapan sa loob ng silid tulad ng pagsisiksikan ng mga estudyante, init o kawalan ng sapat na bentilasyon sa mga klasrum, maging ang labis na ingay na nagiging sanhi ng hindi pagkakadinig sa mga leksiyong itinuturo ng mga guro.

Maliban sa pagbibigay ng sapat na gusaling pagdarausan ng klase, isa sa nakikitang dapat bigyan ng pansin ay ang kakulangan ng mga guro sa paaralan. Marami kasing mga paaralan sa bansa na ang guro ay kasalukuyang humahawak ng 40 o higit -pang mga mag-aarala sa kanilang klase sa halip na 25:1 pupil:teacher ratio na siyang inirekomendang angkop na bilang sang-ayon sa Executive Order No. 349.

ADVERTISEMENT

Napabalita na noon pa man na may ilan pang teaching position na hindi pa napupunan ng pamahalaan kasama na rito ang humigit kumulang sampung libong teaching items na nilikha sa ilalim ng 2022 General Appropriation Act. Kung kaya ganoon na lamang ang hinanaing ng mga aplikante sa pagkaguro at ilang grupo na nakikipaglaban sa karapat ng mga edukador. Ilan pa nga sa mga nabanggit na aplikante ang sinasabing taon na halos ang hinihintay sa pag- aaply. Dumagdag pa sa kanilang hinaing ang pagpuna nila sa ilang gurong kasalukuyang nagtuturo sa Senior High na magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapasa sa Licensure Exam for Teachers.

Maituturing ang pagsisiksikan ng mga mag-aaral sa klase ay isang sangkap sa kapahamakan lalo pa ngayong panhon ng pandemya na kung saan nararapat isagawa ang physical o social distancing ng bawat isa upang maiwasan ang paglaganap at pagkawaha sa nakakatakot na virus. Kaya’t harinawa’y maipagkaloob na ang mga nalalabing bakanteng aytem para na rin sa ikaka-ginhawa at ligtas ng mga klase ngayong new normal.

Tags: Melainie U. Viterbo
ADVERTISEMENT
Previous Post

DLP At DLL Ng Mga Guro: Magbabalik

Next Post

Mga Pribadong Paaaralan, May Pangangailangan Din

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

Towards sharper and faster governance

Towards sharper and faster governance

July 2, 2025
KaIking4U

Is there a mental health crisis in the Philippines?

March 5, 2025

Salute to schools that keep EDSA alive!

Impulses

Caring grandma for cash?

Impulses

Latest Stories

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

September 16, 2025
Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

September 15, 2025
DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

September 13, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US