The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home News

Primary Care Provider Network (PCPN) Steering Committee Meeting, isinagawa

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
September 19, 2024
in News
Reading Time: 2 mins read
Primary Care Provider Network (PCPN) Steering Committee Meeting, isinagawa
7
SHARES
25
VIEWS

Matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ng mga miyembro ng Primary Care Provider Network (PCPN) Steering Committee na ginanap sa Quezon Provincial Capitol sa Lungsod ng Lucena.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng PhilHealth Regional Office IV-A (PRO IV-A) sa pamumuno ni Acting Regional Vice President (ARVP) Edwin M. Oriña, MD na dinaluhan ng mga opisyal ng PhilHealth, Developmental Partners mula USAID at mga miyembro ng Steering Committee.

Kabilang ang lalawigan ng Quezon sa apat na sandbox sites na kinabibilangan din ng Bataan, South Cotabato, at Baguio City. Sa pamamagitan ng PhilHealth Konsulta Sandbox mapag-iisa ang sistema ng serbisyong medikal nng mga pasilidad na kabilang sa network upang mas maging madali at maayos na maibigay sa mga miyembro ang sapat at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

ADVERTISEMENT

Sa pangunguna ng PhilHealth, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga prayoridad na tungkulin ng mga kasapi ng nasabing Steering Committee kabilang ang pagsiguro na mabigyan ng kaukulang First Patient Encounter (FPE) at konsultasyon ang mga miyembro na nakatala sa mga pasilidad na kabilang sa network.

Bahagi rin ng programa ang seremonyal na pagbibigay ng 2nd tranche frontload capitation sa Lalawigan ng Quezon, kung saan mahigit 100 milyong pisong (Php 100,882,161.10) Capitation Fund ang naibigay ng PRO IV-A sa pangunguna ni ARVP Edwin M. Oriña, MD para sa Provincial Government na tinanggap ni Governor Angelina “Doktora Helen” Tan.

Ayon kay Gov. Tan, ang naturang capitation ay “Para sa patuloy na pagbibigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa ating lalawigan.”

Ang PCPN ay grupo ng mga Konsulta Package Provider (KPP) na itinatag para:

  • Mapataas ang registration rate ng mga miyembro sa PhilHealth Konsulta.
  • Mas mapabuti ang paghahatid ng primary care benefits sa mga Filipino.
  • At magkaroon ng referral system papunta sa ibang health facility (tulad ng laboratory), espesyalista, o ospital kung kailangang ma-confine ng pasyente.

Ang matagumpay na implementasyon ng PCPN sa naunang apat na sites ay maaaring sundan pa sa ibang lugar para sa mas maayos na paghahatid ng PhilHealth Konsulta sa buong bansa. (S. Carpio)

 

ADVERTISEMENT
Previous Post

SSS vows to provide social security protection to barangay officials nationwide

Next Post

PRO CALABARZON presents accomplishment on campaign against loose firearms

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

September 16, 2025
Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

September 15, 2025

DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

Laguna PNP equips patrol vehicles with CCTV units

Laguna LGU to put up help desks in state-run hospitals

CARD Bank launches new konek2CARD on its 28th Anniversary

Latest Stories

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

PBBM awards housing units to families displaced by railway project in Laguna

September 16, 2025
Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

Policies to sustain investments, improve job quality pushed in Calabarzon

September 15, 2025
DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

DepEd Calabarzon cites growing classroom challenges as nation marks teachers’ month

September 13, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US