Ni: Sandy A. Belarmino
Seven Lakes Press Corps
Ipinagbubunyi ng Lungsod ng San Pablo at buong Lalawigan ng Laguna ang natanggap mula sa Nation Builders and Mosliv Awards bilang Honorary Vice-Governor for the Year 2022 ni kasalukuyang Pangulo ng Liga ng mga Bise-Gobernador ng Pilipinas Atty Karen C. Agapay.
Kasabay ni Agapay na tumanggap ng karangalan ang mga lingkod bayan at kilalang personaheng nakapag ambag ng malaki upang makita’t maramdaman ang tunay at epektibong serbisyong pampubliko’t pangkapwa-tao.
Nasa huling termino bilang Pangalawang Punong Lalawigan si Atty Karen subalit madami ang humuhulang malayo pa ang mararating ng kaniyang paglilingkuran.
Nag-umpisa bilang SK Federation President ng San Pablo City at naging elected City Councilor. Kalaunan ay nahalal na Senior Board Member ng Ikatlong Purok ng Laguna. Hindi pa natatapos ang termino bilang senior board member ay nagkameron ng permanent vacancy ang pwestong Presiding Officer ng Sangguniang Panglalawigan at Tanggapan ng Bise-Gobernador kaya’t sangayon sa isinasaad at itinatadhana ng Local Government Code ay si Agapay ang nagpuno.
Local Elections ng 2016, 2019 at 2022 ay inihalal.na Vice-Governor and Presiding Officer ng Sanggunian ng Laguna. Sapagkat matapat, masipag at mapagkakatiwalaan ay iniluklok ng kapwa mga Bise-Gobernador ng Bansang Pilipinas upang maging pangulo ng kanilang liga noong 2019 at ngayong taong 2022. Parehong Unopposed o walang naging katunggali si VG Agapay bilang pangulo ng kanilang samahan.