Personal na pinangungunahan ni President Marcel B. Tolentino ang mga kagawad ng Rotary Club of Alaminos Downtown (RCAD) sa pamimigay ng school bag na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral na may kapansanan o learners with disabilities sa Alaminos Central School na sinaksihan ng may pagpapahalaga at pagpapasalamat nina Public Schools District Supervisor Dr. Jovito M. Barcenas at School Principal Mylene M. Dimaculangan. Napag-alaman na sa paaralang ito ay may nakatalang 36 children with disabilities, at ang Rotary Club of Alaminos Downtown ay kasalukuyan nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang ang Alaminos Schools District ay magkaroon ng Regular Special Education Unit. (Ruben E. Taningco)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.