Ni: Khristel J. Cartagena, Teacher I
Bakia-Botocan Elementary School
Majayjay Sub Office
Ang Bakia-Botocan Elementary School mula sa Distrito ng Majayjay sa pamumuno ng Tagamasid Pampurok Gng. Ana R. Reblora at Gng. Angelita M. Vinas Ulong Guro-III sa pakikiisa ng mga guro at Gurong Tagapag-ugnay sa ESP Gng. Khristel J Cartagena ay pinahusay ang paraan ng pagtututro sa mga bata sa pamamagitan ng regular na pagbibigay ng kwento, panoorin na susundan ng mga gabay na tanong upang masiyasat ang epektibong pagkatuto ng mga batang mag-aaral sa panururuang taon 2022-2023.
Normal lamang sa mga bata na makaranas sila ng matinding stress, takot, pagkainip at pangamba. Maaaring nanibago sila dulot ng nakaraang pandemya. Sa pagbabalik sa mga paaralan ng mga bata, kanya kanyang ugali ay dala dala…Maaaring mabuti o masama. Madalas kong marinig ang salitang ESP lang…madali lang ituro ngunit kung iisipin ito ay simula ng isang panibagong hamon kung paano natin ilalagak muli sa kanilang mga kaisipan ang kahalagahan ng mabuting pakikipag kapwa tao sa kabila ng mga naging problema nitong mga nagdaang taon.
Ang Bakia-Botocan Elementary School ay patuloy sa paggabay sa mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng kanilang sarili, pakikipagpagkapwa-tao at pananampalataya. Bilang pagtugon ang paaralan ay nagsasagawa ng lingguhang pagpapanuod sa mga mag-aaral ng mga maikling kwento na kapupulutan ng aral. Sa ganitong paraan ay maisasabuhay ang pagkakaroon ng mabuting asal at ang pagiging positibo sa buhay. Mahalaga na maituro ito sa ating mga mag-aaral lalo na ngayong humaharap tayo sa panibagong normal.
“Dapat na mas pag-ibayuhin ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng magandang pag-uugali tungo sa kapwa at sa bayan na pinahahalagahan ang karapatan ng bawat isa. Ang pagbabahagi sa mga mag-aaral ng pagmamahal, pag-uunawaan at pagpapahalaga sa kapwa ay susi para sa isang bansang ligtas at mapayapa.” Pahayag ng pinuno ng Paaralan Gng. Angelita M. Vinas.