The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home Opinion

Kompyuter At Laptops Para Sa Mga Guro

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
October 20, 2022
in Opinion
Reading Time: 2 mins read
The Wednesday Herald – One of Laguna’s Oldest and Most Trusted Weekly Newspaper
5
SHARES
18
VIEWS

ni Myda Rose P. Ocampo

Hindi makakaila ang mga benepisyong dulot ng pagkakaroon ng access sa teknolohiya hindi lamang sa ngalan ng pag-aaral ngunit maging sa araw-araw na gawain ng mga guro.

Ang paggamit ng mga kompyuter o laptops ay matuturing na pinakamainam na paraan upang mapadali ang mga gawain ng mga guro sa paaralan. Kabilang dito ang paggawa at pagpapanood ng mga powerpoint presentations, pagrerekord ng marka ng mga bata, paggawa ng samu’t-saring reports at maging ang mga online meetings at webinars na nauso nitong kasagsagan ng pandemya.

ADVERTISEMENT

Samakatuwid, lubhang kailangan ng mga guro ang mga nasabing makabagong kagamitan o gadget upang lalo nilang mapagbuti ang mga binibigay nilang paglilingkod o serbisyo sa mas mabilis na panahon., nang sa gayon ay mailaan pa ang nalalabi nilang mga oras sa higit pang kapaki-pakinabang na gawain, partikular ang pagtuon ng pansin sa mga struggling learners at readers ng kani-kanilang klase.

Sa kabilang banda, matatandaan na nitong mga nagdaang buwan ay naiulat na nag-ilak ang Department of Education o DepEd ng halagang 2.4 billion pesos para sa proyektong pamamahagi ng laptop sa mga guro ng pampublikong paaralan. Nabanggit din na tinatayang ang budget para sa bawat isang laptop ay mahigit 32 libong piso na kalaunay naging humigi’t kumulang 58 libong piso bawat isang unit, kasama na sa nabanggit na halaga ang maintenance ng mga ito sa loob ng tatlong taon. Kung susumahin lubhang napakalaki ng halaga nito para sa aktuwal na halaga para sa isang unit. Na kung sanay maiwawasto ay mailalaan pa sana upang tugunan ang iba pang pangangailangan o suliranin ng mga paaralan.

Ganumpaman, dahil sa muling pagbubukas ng isyu ay nabigyang pansin ng mga mambabatas ang naudlot na pamamahagi ng mga nasabing laptops para sa mga guro. Sa katunayan, dito sa lalawigan ng Laguna ay umarangkada na muli ang utay-utay na laptop distribution sa mga paaralan na lubahang ikinagalak ng mga guro bagama’t hindi muna lahat ay mabibigyan.

Umaasa na sana sa darating na panahon ay magiging kabilang na sila sa mabibiyaan ng laptop na siyang magiging kasangga nila sa tuwinang pakikipagsapalaran nila bilang guro ng mkabagong panahon.

Tags: Myda Rose P. Ocampo
ADVERTISEMENT
Previous Post

Mapua Cardinals cager Adrian Clarence Nocum shows tenacity in NCAA season 98

Next Post

Reading Remains To Be The Problem

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

KaIking4U

Is there a mental health crisis in the Philippines?

March 5, 2025
Impulses

Salute to schools that keep EDSA alive!

March 5, 2025

Impulses

Caring grandma for cash?

Impulses

KaIking4U

Latest Stories

May 28-June 3, 2025 Issue (Vol. 44 No. 28)

May 28-June 3, 2025 Issue (Vol. 44 No. 28)

May 27, 2025
DMC OPERATIONS IS OUTSIDE THE SIERRA MADRE PROTECTED AREA

DMC OPERATIONS IS OUTSIDE THE SIERRA MADRE PROTECTED AREA

May 22, 2025
Fighting corruption  and knowing the enemy

Fighting corruption and knowing the enemy

April 26, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In