The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home News

Turuan o Magturuan

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
December 1, 2022
in News
Reading Time: 2 mins read
The Wednesday Herald – One of Laguna’s Oldest and Most Trusted Weekly Newspaper
8
SHARES
29
VIEWS

Ni: Kevin S. Sarmiento, Teacher I
SDO Laguna, Nagcarlan Sub-Office
Wakat Elementary School

Sa pagtatapos ng unang markahan ngayong taong panuruan, matapos ang halos tatlong taong distance learning, naging mababa ang resulta ng mga pagsusulit sa paaralan. May mga mag-aaral pa na mas mababa pa sa passing grade ang nakuha.
Sino nga ba ang dapat sisihin sa sitwasyong ito? Meron ba?
Hindi rin maitatago ang madaming bilang ng mag-aaral na hindi marunong bumasa at umunawa ng kanilang binasa. Isa sa mga tinuturong dahil kung bakit bagsak ang grado ng mga mag-aaral ngayon.
Maaari ding sisihin ang pandemic na siyang nagsara ng mga paaralan dahilan ng pagsasailalim sa mga mag-aaral sa distance learning.
Dahil din sa mabilis na pagkalat ng Covid-19, nabigyan ng maikling panahon ang paghahanda sa distance learning. Tulad sa pagbili ng gadgets at iba pang gamit sa pag-aaral. Kasama na din ang paghahanda sa mga magulang, mag-aaral at paaralan kung paano isagawa ang nasabing bagong paraan ng pagtuturo.
Dapat bang isisi sa mga magulang kung bakit di makabasa o makaunawa ang kanilang mga anak lalo na kung halos 2 taong sila ang pisikal na gumagabay sa kanilang mga anak sa pag-aaral?
Nagkaroon pa nga ng malaking bahagi ang mga magulang sa pagtugon sa hamon ng distance learning. Nandiyan na sila ang kumukuha ng mga sasagutang modules at pagsasauli ng mga ito sa paaralan. Marami din silang sinakripisyong panahon upang maihatid sa mga mag-aaral ang kanilang edukasyon.
Hindi madaling magturo ng mga bata lalo na kung ang mga magulang ay nagtatrabaho upang may ipangbuhay sa kanilang pamilya. Mahirap din sa kanila dahil hindi nama lahat ng mga magulang ay may sapat na training at kasanayan na magturo.
Dapat bang ibato ang sisi sa mga guro, dahil hindi nila nagampanan ang magturo sa paaralan? Na ang tanging ginawa lang ay magprint ng modules, gumawa ng reports at mag bigay habilin sa mga chats, sms at iba pang social media.
Hindi biro ang magprint ng libo-libong papel at isstapler para gawing modules, activity sheets at iba pang papasagutan ng mga bata. Mabigat din sa kalooban ng mgs guro na hindi nila direktang natuturuan ang mga bata, na akala ng iba ay ok lang sa mga ito.
Sa huli, wala dapat sisihin sa pangyayaring ito bagkus dapat natin harapin ang hamong ito para tuluyan tayong makabangon sa dagok ng pandemya.
Gawin nating oportunidad ito upang matuto ng mga bagay na gagamitin natin sa paganap ng ating mga tungkulin bilang mag-aaral, guro at mga magulang na gagabay sa mga bata.
Sa panahon ito, hindi dapat nagtuturuan kung sino ang may mali, sino ang nagkulang, bagkus turuan natin ang isat-isa upang mapunuan ang mga pagkukulang natin. Hindi ito ang panahon upang ipasa ang sisi sa iba, ito ang oras para iabot ang mga kamay upang makatulong ang ating kapwang bumangon lalo na ang ating mga mag-aaral na siyang pag-asa ng susunod na henerasyon.

ADVERTISEMENT
Tags: Kevin S. Sarmiento
ADVERTISEMENT
Previous Post

Level up Feeding PROgram

Next Post

Math is Just a Number

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

Fighting corruption  and knowing the enemy

Fighting corruption and knowing the enemy

April 26, 2025
‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

April 26, 2025

Building Strong Foundations: The Crucial Role of Literacy and Numeracy Intervention in Elementary Education

KAHALAGAHAN NG ISANG DEMO FARM

The strength to succeed

Stay fresh and fabulous only at Beauty Camp Salon (BCS): Lalabas kang fresh!

Latest Stories

Fighting corruption  and knowing the enemy

Fighting corruption and knowing the enemy

April 26, 2025
‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

April 26, 2025
The Wednesday Herald – One of Laguna’s Oldest and Most Trusted Weekly Newspaper

Building Strong Foundations: The Crucial Role of Literacy and Numeracy Intervention in Elementary Education

April 26, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In