Si SK Provincial Federation President Bhenj Stephen A. Felismino ay nagpapaalaala sa mga katulad niyang Sangguniang Kabataan Chairman na awtomatikong kagawad ng kanilang Sangguniang Barangay, na upang sila ay magabayan sa tamang pakikipagtalakayan sa paghahanda ng Barangay Annual Budget at sa pagbalangkas ng mga developmental program, ay makabubuting sila ay magsangguni sa Local Government Operations Officer ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakatalaga sa kanilang munisipyo para sa tamang pagpapayo. Ayon sa kanya, bilang lider-pamayanan, ang isang SK Chairman ay dapat nagsasagawa ng patuloy na pag-aaral sa kung papaanong pinakikilos ang isang yunit ng pamahalaan, tulad ng mga gampanin ng Local Development Council (LDC) na ang dapat sangguniin ay ang Municipal Planning and Development Coordinator na namumuno sa Municipal Planning and Development Office (MPDO). (Ruben E. Taningco)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.