ni: Dr. Adeline M. Montefalcon
Master Teacher I/ School LRMDS Coordinator
SDO Laguna, Nagcarlan Sub Office
Plaridel Elementary School
Siya si Oliver. Maglinis ng lansangan dala ang kanyang kariton ang kanyang hanap-buhay.Duling, pangit, at maitim siya; kaya kinatatakutan ng mga bata. Si Oliver ang panakot ng mga nanay sa mga batang ayaw paawat sa paglalaro.
Gamit ang kariton, nagagawa niyang makaipon ng basura. Ipinagbibili niya ito nang magkapera. Natutulungan pa ni Oliver na maging malinis ang kapaligiran. Matiyaga rin niyang pinaghihiwalay ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura. Lingid sa kanyang kaalaman, naisasabuhay pa niya ang isang napakagandang gawaing makakatulong upang mapanatiling maayos at ligtas ang ating Inang Kalikasan.
Unti-unting napatunayan ni Oliver na siya ay may dakilang asal na dapat pamarisan. Kaibigan pala siyang maituturing. Mula noon, masasaya na ang mga batang makita si Oliver. Ginaya nila ang magagandang gawi ng taong dati nilang iniiwasan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang ginagawang panakot sa mga bata?
A. Ador
B. Emman
C. Isidoro
D. Oliver
2. Saang lugar siya palaging nakikita?
A. Sa bahay
B. Sa lansangan
C. Sa paaralan
D. Sa simbahan
3. Ano ang kanyang pinaglalagyan ng basura?
A. balde
B. kariton
C. sako
D. balde
4. Sino ang natutulungan niyang maging maayos at ligtas?
A. basura
B. kariton
C. Inang Kalikasan
D. Inang Sinukuan
5. Anong ugali ang dapat pamarisan kay Oliver?
A. pagiging madasalin
B. pagiging masipag
C. pagiging matalino
D. pagiging palaboy