ni: Dr. Adeline M. Montefalcon
Master Teacher I/ School LRMDS Coordinator
SDO Laguna, Nagcarlan Sub Office
Plaridel Elementary School
Kakaibang sigla ang naramdaman ng batang si Allan isang umaga ng Sabado. Nakatakda silang umuwi sa Nagcarlan ng kanyang pamilya.
Namangha si Allan sa napakaraming mga punung-kahoy, kagubatan, at mga palayan na sadyang kakaibang tanawin sa Lungsod ng Maynila na kanilang dating tinirahan.
Tama si Allan sa pag-aakalang magiging masaya ang maghapon sa unang araw niya sa Nagcarlan habang kalaro ang mga pinsan.
Nang sumapit na ang gabi, binigyan si Allan ng kumot ng kanyang lola. Magalang na tumanggi si Allan sa ibinigay ng lola dahil hindi raw siya nagkukumot sa ibang bansa.
Bilang pagpapaliwanag, binigyan ni lola si Allan ng mapa ng Nagcarlan. Ikinatuwa ni Allan nang kanyang malaman na ang Nagcarlan pala ay isang bayan na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna na bahagi pa rin ng bansang Pilipinas.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang bata sa kwento?
A. Aladdin
B. Albert
C. Alex
D. Allan
2. Anong araw sila umuwi sa Nagcarlan?
A. Huwebes
B. Biyernes
C. Sabado
D. Linggo
3. Anong lugar ang Nagcarlan?
A. bansa
B. lalawigan
C. bayan
D. purok
4. Ano ang ipinakita ng lola kay Allan upang maunawaan ang lugar na kinalalgyan ng Nagcarlan?
A. Globo ng mundo
B. Mapa ng Nagcarlan
C. Compass
D. Teleskopyo
5. Kailan ginagamit ang kumot maliban sa isa?
A. Pag mainit
B. Pag malamig
C. Pag malamok
D. Pag gustong magtakip ng buong katawan