Nina Kevin Pamatmat at Shekinah Joy Pamatmat
Santa Rosa City, Laguna–Ang Santa Rosa River Greenway Project ay opisyal nang binuksan sa publiko ngayong buwan ng Marso na isa sa mga imprastrakturang ipinagawa ng lungsod sa inisyatiba ni Mayor Arlene B. Arcillas upang mapaganda at maisaayos ang kapaligiran.
Layunin nitong magkaroon ng mas ligtas na lakaran ang mga mamamayan at maipakita ang mga magagandang tanawin dito.
Hangad din nitong bawasan ang pagsikip ng trapiko, polusyon sa hangin at ingay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao na maglakad sa halip na mag-commute o gumamit ng kanilang mga pribadong sasakyan at motorsiklo.
Ang proyekto ito ay sadyang dinisenyo na mataas upang magsilbing likasan kung sakaling bumaha sa kahabaan ng LCA Boulevard.