ni Paolo Manuel C. Fule
Isang karangalan ang makapanayam ang isa sa mga kabataang maipagmamalaki ng Lungsod ng San Pablo, wala ibang kung hindi ang anak ni dating San Pablo City Councilor Randel “RD” Diaz” na si BARBIE DIAZ na tumatakbo bilang KONSEHAL o City COUNCILOR sa SAN PABLO CITY.
“Ako po si Barbie Diaz at ako po ay anak ng dating konsehal ng San Pablo Rondel “RD” Diaz, ang Konsehal na tinulungan po ng bawat San Pableno sa loob ng tatlong termino. Sa kasalukuyan, po ako po ay kasama ng buong lapian ng team Amante-Colago para sa pagka Konsehal sa darating na 2025 Mid-term election. Ang inyong Lingkod po Barbie Diaz ay nakapagtapos ng kolehiyo sa UST, Legal Management” wika ni Ms. Barbie Diaz.
Sa kasalukuyan, siya ay kumukuha ng kursong Law sa San Beda, Third Year Law Student. Siya din ay Member ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Philippine Air Force reserve at President ng iba’t-ibang civic organizations. Ito ay nagpapatunay na ang Public Service o serbisyo publiko ay hindi nab ago sa kanya.
“Kung mabibigyan po tayo ng pagkakataon na mapaupo sa pwesto bilang isang Konsehal ng Lungsod ng San Pablo, ang kaalaman po sa batas ay magiging bentahe pagdating po sa pagpasok sa konseho. Ang prayoridad po na tungkulin ng Konsehal ay ang mag gawa ng mga batas o ordinansa. Mas makakatulong po ang pagiging law student ko para sa bawat San Pableno at para sa progresibong San Pablo,” dagdag pa ni Ms. Barbie Diaz.