Sa dahilang ang Hunyo 12 ay huling araw sa “Mga Araw ng Bandila” na nakatadhana sa Republic Act No. 8491, na lalong kilala sa katawagang Flag and Heraldic Code of the Philippines, sa pulong ng Komite sa Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na pinangasiwaan ni Executive Assistant Kristin Ann A. Picazo noong Lunes ng umaga na isabay na sa pagdiriwang na gaganapin sa darating na Lunes, Hunyo 12, 2023 sa Liwasang Lungsod ang pagsusunog at paglilibing ng abo ng mga luma at kupasin ng bandila na naaayon sa tuntuning itinatagubilin ng nabanggit na batas. Kaugnay nito, nananawagan si Council Chairman Paul Michael M. Cuadra na ang mga ahensya ng pamahalaan at mga paaralan na nag-iingat ng mga luma at kupasin ng bandila, na ipagkatiwala ito sa Tanggapan ng San Pablo City Boy Scouts Council na siyang tinatagubilinang magsagawa ng seremonya ng pagsusunog. (Ruben E. Taningco)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.