ni Sandy Belarmino
Seven Lakes Press Corps
Kahit hindi pa nararapat pag usapan at paghandaan ang May 2025 Local Election ay hindi mapigilan ang usapan at pag aanalisa ng mga kababayang dalubhasa sa pampulitikang magiging kaganapan sa hinaharap.
Maaaring nangyayari ang maagang usapan at analisa dahil sa magaganap na Barangay and SK Election sa Buwan ng Oktubre taong kasalukuyan?
Hindi maitatangging napakahalaga sa mga pulitiko ang suportang magbubuhat sa mga barangay officials. Napatunayan na ito ng kasalukuyang Administrasyong Vic B. Amante (VBA) sa nakalipas na tatlong dekadang pakikipagkaisa sa walumpong barangay ng San Pablo.
Nararapat buo ang suporta ng mga kabarangay. Kung walang pinagkaisang pagtangkilik mahihirapang maipanalo ang mga kandidatong itataguyod sa 2025.
Dito lumalamang ang Pamunuang VBA sapagkat hawak ang todong pagmamahal ng ‘super majority’ mga San Pableños. Bilang matinding pagpapatunay ay ang naging landslide victory ni Mayor VBA noong nakaraang halalan kahit hindi halos nangampanya sa mga barangay ng lungsod.
Sa sariling pagkakaalam ng may akda’y habang nais ng taumbayan ang maganda’t mahusay na pagseserbisyo publiko ni VBA ay magpapatuloy ito lalo na’t nabibiyaan pa rin ng magandang kalusugan.
Paano kung sakaling magbigay daan sa darating na 2025 ang alkalde ng lungsod? Tinataya ng mga political analysts na magpapailalim pa rin si Mayor VBA sa magiging kagustuhan ng mga tagapagtaguyod mula sa 80 barangay ng San Pablo at political supporters kagaya ng laging isinasagawa sa tuwing sumasapit ang panahon ng halalan.