Ulat mula sa CIO-SPC
San Pablo City, Laguna–Upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga senior citizens, ay isinusulong ni Cong. Amben Amante ng 3rd District ng Laguna sa Kongreso ang pag aamyenda ng Centenarian Law o Centenarians Act of 2016.Ito ay ayon sa kanyang naging mensahe sa naging programa ng First 100 Days Accomplishment Report ng kanyang butihing ama na si Mayor Vicente Amante nuong October 10, 2022 na ginanap sa San Pablo City Multi-Purpose Convention Center sa Brgy. San Jose.
Bilang Vice-Chairman sa Committee on Senior Citizens sa Kongreso, isinusulong ni Cong. Amante ang Centenarian Law o pagbibigay ng maagang benepisyo sa mga senior citizens kahit hindi pa sila naabot sa 100 taong gulang. Ayon sa butihing congressman kanyang ipinapanukala na makakatanggap na agad ng financial assistance ang mga senior citizens simula sa edad na 70 taong gulang. Binanggit niya na makakatanggap na ng P20,000 ang mga may edad ng 70, 80 at 90 taong gulang. At ang kabuuang 40,000 ay matatanggap pagdating ng 100 taong gulang. Kanyang inaasahan na ito ay malaki ang maitutulong sa mga nakakatanda na ang iba ay mga bedridden na, halos di na makakain at marami ng maintenance na mga gamot. Pinasalamatan naman niya si Sen. Bong Go sa pagbibigay ng P5M karagdagang pondo para sa TUPAD Program.
Kinilala at pinuri naman nya ang ama ng lunsod sa kanyang di matatawarang mga naisagawang programa sa unang 100 araw ng paglilingkuran. At sa mas maraming pang serbisyo na maipapatupad ng kanyang ama para sa kagalingan ng lahat ng mamamayan ng lunsod. Kahit naninilbihan na sa ikatlong distrito ng Laguna ay nangako si Cong. Amben Amante na hindi niya pababayaan ang lunsod at kanyang laging kaisa at katuwang si Mayor Vic Amante sa paglilingkuran.