Ni: Edralyn R. Rañez, Teacher 3
SDO Laguna, Luisiana Sub-office
San Buenaventura Elementary School
Noong nakaraang Oktubre 2022, lumabas ang pahayag ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III na aalisin ng deparamento ang mother tongue o Mother tongue- based multilingual education (MTB-MLE) bilang subject pero mananatiling medium of instruction sa Kindergarten hanggang Grade 3.
Kung matutuloy ang pagpapaalis ng naturang subject, magbibigay ito ng 50 minutong oras na ilalaan ng guro sa ibang gawaing pampaaralan.
Naging hati naman ang opinyon ng mga guro sa planong ito. May mga pabor sa panukala dahil mababawasan ng isang subject ang gagawan nila ng preparations araw-araw. May nagsasabi din na nararapat ito, lalo ang guro na Tagalog, dahil parang nagiging redundant na ang mga subject nila dahil kaparehas lang ng MTB-MLE ang Filipino.
Ngunit may iba naman ay nagmukahing dapat na pag-isipang mabuti ng DepEd ang kanilang plano dahil malaki ang ambag ng mother-tongue sa pag-aaral ng English at Filipino.
Ani pa ng iba, makakatulong ang nasabing subject upang mapreserve ang kanilang katutubong dialekto na dapat ding ikunsidera ng departamento sa planong pagpapaalis nito.
Hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling pinag-aaralan ng mga batang Kindergarten hanggang Grade 3 ang MTB-MLE. Wala pa din pormal na pahayag kung kailan tuluyang maaalis ang naturang subject o hindi na.