Marami ang hindi nakababatid na maraming mga karamdaman ang nagmumula sa ating mga maling ginagawa at ginagawi. Magugulat kayo tiyak kapag nalaman ang mga ito dahil ang nga ito ay ni hindi pumasok lalo na sa hinagap.
Mga sakit na nakukuha sa mga maling ginagawa:
- Diabetes – kapag kumakain ng atrasado na sa gabi
- Hypertension – kaag sobrang maalat ang kinakain
- Migraine – nagpapalipas ng gutom o di kumakain sa oras
- Osteoporosis – iwas sa sikat ng araw o di nagbibilad lalo na kung umaga
- Gastritis – mabilis kumain
- Acid reflux – agad na nahihiga matapos kumain
- Anemia – umiinom ng tsaa matapos kumain
- Gut issues – di pag-inom ng sapat na dami ng tubig
- Asthma – kaag naglalagi sa maalikabok na kapaligiran
- Liver issues – laging kumakain ng processed foods gaya ng hotdog, tosino at iba pang kahalintulad na produkto
- Vitamin deficiency – pananatili sa loob ng bahay at iba pang kulong na lugar na di man lang nasisikatan ng araw
- Kidney stones – mahinang pag-inom ng tubig
- Dementia – babad sa panonood ng TV
- Insomnia – tuloy-tuloy na nakaharap sa screen ng pinanonood hanggang hatinggabi
- Anxiety – palaging paggamit ng social media
Ano ang angkop na oras sa pag-inom ng bitamina at food supplements?
Halos lahat ay umiinom ng vitamins. Sa katunayan, may ibang tao na umiinom ng maraming bitamina kada araw dahil sa ibat ibang benepisyo nito sa katawan. Gayunman, mahalagang mabatid kung ano ang tamang oras sa pag inom ng vitamins.
Upang mapanatiling malusog ang ating katawan ay hindi sapat ang pag-e-ehersisyo lamang. Liban sa pagpapanatili ng malusog at balanseng dyeta, kailangan ng iyong katawan ang suporta ng iba’t ibang vitamins.
Sa pitak na ito ay alamin ang pinakamahusay na oras para uminom ng vitamins.
Ang iba’t ibat ibang uri ng bitamina ay may magkaibang benepisyo na dulot sa ating katawan. Ibig sabihin nito ay may mga dapat isaalang-alang kung kailan dapat na ang mga ito ay inumin pati na kung ang iinom ay dapat bang kumain o huwag muna bago mag-vitamins. Sa ganitong paraan ay tunay na pakikinabangan ng ating kalusugan ang mga bitaminang iniinom.
Dahil hindi iniimbak sa katawan ang mga vitamins, makabubuting inumin ito araw-araw. Ang pinaka-magandang oras sa pag-inom ng Vitamins B, C at folic acid ay sa tuwing walang laman ang tiyan. Inumin ang mga ito ng 30 minuto bago kumain o 2 oras pagkatapos ng pagkain.
Ang multivitamins sa pangkalahatan dapat ay iniinom kapag busog, maaring ito ay pagka o habang nag-aalmusal o maka-pananghalian. Ito ay upang higit na kumalat agad ang epekto sa katawan at maiwasan ang mga posibleng ligalig na maidudulot sa tiyan. Yung iba ay mas gamay inumin ang multivitamins sa umaga yung iba naman ay sa oras ng pananghalian.
Mga basikong kaalamang pangkalusugan lamang ito na aming ibinabahagi sa inyo. Kasabay ng kaalamang pangkalusugan at may paalalang pang-ispiritwal na akin ding ibabahagi. Nasusulat ito sa wikang Ingles na mula sa orihinal na sipi. Harinawa ay manuot sa kaibuturan ng inyong puso ang hatid nitong mensahe.
This is in light of the war that is ongoing between Israel and Iran… we pray that this will not escalate to World War III.
During World War II, a group of people would stop whatever they were doing at a certain time each night to pray for peace, safety and security of everyone. They did this every day and it was as if the city stood still. Such was the power of prayer. The result was so overwhelming that the bombing stopped after a short time! Now, some are again organizing a group of people globally to spend a minute praying for the security of our countries for an end to the problems that oppress and suppress us, and for God to guide the decisions of our rulers. We will meet at the following times: India 9 pm, Germany 4 pm, Austria 4 pm, Spain 4 pm, Portugal 3 pm, Canary Islands 3pm, Costa Rica 8 pm, Colombia 7pm, Nicaragua 8pm, Ecuador 7pm, Guatemala 8pm, Mexico 8 pm, Panama 7 pm, Honduras 6 pm, El Salvador 8pm, Venezuela 6 pm, Uruguay 5 pm, Paraguay 5 pm, Brazil 6 pm, Argentina 5 pm, Chile 5 pm, Italy 4 pm, Australia 2pm, US 1pm, Canada 12nn, Singapore 9pm, Thailand 9pm, Korea 9pm, HK/ Taiwan 10pm, Philippines 11pm
Please support us in this initiative. We will pause for a minute each day at the appointed time to pray for world peace, for an end to conflict and for the restoration of tranquility to all people on the earth, and for families to look to God for their safety and to see their salvation.
If we understood the tremendous power of prayer, we would be amazed. If you can forward this request to your contacts, we can work a miracle with our prayer. Set the alarm on your phone every day at the time set for your country and pray for one minute for peace. The power of collective prayers is amazing! Let us try and pray at the given time. You can share this to others.
Hanggang sa muli po at pagpalain nawa tayong lahat ng Poong Lumikha!