Kinusa o nagkataon, nagkasabay ang naganap na pormal na pakikipagkita o courtesy call nina DILG Provincial Director Jay T. Beltran, na bagong talaga rito sa Laguna, at PMaj. Abelardo D. Jarabejo III, na bagong talagang officer-in-charge ng Alaminos Police Station, kay Alkalde Glenn P. Flores noong Martes ng tanghali na ipinakilala ni Ms. Marilen Grace T. Abejero, ang Municipal Local Government Operations Officer ng DILG sa Alaminos. Pangunahing layunin ng pagsasagawa ng courtesy call ay upang maipaunawa ng isang bagong talagang pinuno ang uri ng pangangasiwa na dapat asahan sa kaniya, at tuloy maitatag ang magandang pag-uugnayan o sistema ng komunikasyon tungo sa ikapagtatamo ng kapayapaan, kapanatagan, at kaunlaran ng pamayanang kanilang pinaglilingkuran. (Ruben E. Taningco)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.