nila Gil Aman at Sandy A. Belarmino
Pinangunahan ni Laguna 1st District Congressman Dan Fernandez, kakandidato sa pagka-gobernador, at Mayora Gem Castillo-Amante na lalabang bise gobermador ng Laguna, ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng National Unity Party (NUP) ng mga bago at dating kakandidatong mga mayor, vice-mayor at konsehal mula sa iba’t ibang bayan ng Laguna sa darating midterm election.
Isinagawa noong Martes ng umaga sa San Pablo LGU Hotel sa Barangay San Jose, San Pablo City, ang okasyon ay dinaluhan ni San Pablo City Mayor Vicente Amante, Phd, na siya ring nagbigay ng makabuluhang mensahe para sa ikauunlad ng Lalawigan ng Laguna.
Nagbigay din ng suporta sa NUP ang ilan sa lalabang congressman sa mula sa ika-apat na distrito ng Laguna na si Atty. Tony Carolino gayundin ang dalawang provincial board member.
Bilang kinikilala si Mayor Amante, ang tinaguriang Laguna Legend sa larangan ng pulitika, nagbigay ng mga positibong mensahe ito upang mapagtagumpayan ang minimithing hatid para sa mga mamamayan ng Laguna.
Samantala, sinabi ni Mayora Gem Castillo-Amante na nakatutok ito sa mga isasagawang batas upang makatulong sa mga mamamayan .
“Basta ako ang gusto ko lang naman ang tumulong kahit na sarili kong pera ay ilalaan ko, na walang kapalit,” aniya.
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga sumusunod na dati at bagong lalaban sa ilalim ng National Unity Party (PUP): Kenneth Ragaza (Kalayaan), Rain Ann San Luis (Sta Cruz), Atty Tony Carolino (Sta.Maria), Mayor Egay San Luis (Sta Cruz), Mayor Cesar Areza (Pagsanjan), Mayor Cindy Carolino (Sta Maria), Peter Bukal (Magdalena), Vipops Martinez (Pakil), Rolen Uriquia (Rizal), Maneng Rondilla (Luisiana), Erick Sulibit (Liliw), VM Wilbert Oliveros (Cavinti), Ody Arcacitas (Nagcarlan), Art Capiti (Pangill), Emilio Garcia (Bay), Marlon ‘Boboy’ Maristela (Victoria), Queen Alarva (Pila), Lauro Montilla (Paete) at Obet Acoba ng Siniloan.
Nagbigay din ng isang awitin si Gem na puno ng mensahe upang ipadama ang kanyang sinserong paglaban sa susunod na taon at hinikayat ni Fernandez ang ibibigay na serbisyo sakaling maging gobernador.