Pinasinayaan na ng pamahalaang lalawigan ng Laguna ang mga bagong pasilidad na pangkalusugan, kabilang na ang bagong Patient Waiting Area at Emergency Room ng San Pablo City District Hospital at bagong Emergency Room ng Nagcarlan District Hospital.
Pinangunahan nina Governor Ramil Hernandez at Laguna 2nd District Representative Ruth Mariano Hernandez ang pagpapasinaya sa mga istruktura.
Ayon sa gobernador, itinayo ang mga pasilidad upang higit na mapalawak ang kapasidad ng mga ospital at matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga Lagunense para sa dekalidad at mabilis na serbisyong medikal.
Hangad ni Hernandez na ang mga pasilidad ay makapagbigay ng mas progresibo, mas malusog, at mas responsableng sistema ng pangangalaga sa kalusugan sa buong lalawigan.