los baños, Laguna–Iba’t-ibang programa ang hatid ng pamahalaang bayan ng Bagong Los Baños para sa nalalapit na pagdiriwang ng 22nd Bañamos Festival mula ika-17 ng Setyembre hanggang ika-22 ng Setyembre.
Sa temang, “Tara na at sumama sa mas pinasaya at mas pinakulay na Bañamos sa Bagong Los Baños” layon ng selebrasyon mas gawing makabuluhan at masaya ang pagdiriwang ngayong taon.
Tampok sa 22nd Bañamos Festival ang mga aktibidad na may kinalaman sa tubig katulad ng Kick-off Shower Parade kung saan maglalagay ng shower sprinklers sa iba’t ibang bahagi ng Los Baños, Kakaibangka na layong bigyang pagkilala ang mga mangingisda mula sa bayan, at Bañamos Aqua Games na gaganapin sa ipinagmamalaking Tadlac Lake.
Ibibida rin sa selebrasyon ang Hot Air Balloon Fiesta and Market Bazaar, Carnival Fair, Bailamos Dance Battle, Zumbaños, LBirit Star Search Duets, Color Run, LB Awards, Barangay Night, Civic Parade, Mister and Miss Bagong Los Baños, Padyak Los Baños, Bayle sa Kalye at Grand Revelry.
Ang Bañamos Festival ay isang masaya at makulay na akibidad na taunang ipinagdiriwang alinsunod sa pagkakatatag ng bayan.
Sa pamamagitan nito, binibigyang kahalagahan ng pamahalaang bayan ang kasaysayan, kultura at progresibong pagbabagong nakakamit ng bayan ng Los Baños.
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.