Nilagdaan ni Mayor Art Mercado ang Executive Order No. 1, series of 2025, para ilunsad ang malawakang paglilinis ng mga baradong kanal, estero, at drainage systems sa San Pedro City. Tugon ito sa mga reklamo ng mabilisang pagbaha sa ilang lugar.
Ayon sa alkalde, ito ay simula pa lamang ng mga hakbang upang solusyunan ang nasabing problema. Nanawagan siya ng pagtutulungan mula sa mga barangay, ahensya ng gobyerno, at mamamayan, lalo na sa simpleng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura.
“Paalala sa ating mga kababayan, malaki ang maiaambag ninyo dito. Magsimula tayo sa simpleng disiplina sa pagtatapon ng basura. Ang bawat kanal na nalinis ay isang hakbang palayo sa sakuna,” pahayag ni Mayor Mercado.
“Hindi lang ito utos, ito ay panawagan. Panawagan para sa malinis na San Pedro. Panawagan para sa ligtas na kinabukasan. Panawagan para sa bayanihan.”