Ni: Adela I. Racoma, Head Teacher 1
SDO Laguna, San Antonio ES
Luisiana Sub-office
Malaking hamon ang hatid ng pandemya dulot ng Covid-19 sa ating bansa. Hinadlangan nito ang ating kilos, nilimitahan ang pag-punta sa ibang lugar, at lalong naging malaking suliranin kung paano mabibigyan ng edukasyon ang mga kabataan lalo na at sarado pa ang mga paaralan.
Dito lumabas ang iba’t-ibang makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya. Isa na dito ang Modular Distance Learning na ginamit ng halos lahat ng paaralan sa bansa. Maging ito man ay nasa porma ng printed o digital.
Dahil sa bago ang ganitong pamamaraan ng pag-aaral, hindi naging madali asa kanila ang pag-aaral sapagkat limitado at walang pisikal na interaksyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.
Kaya nagkaroon din ng Online Distance Learning na kung saan gamit ang internet at mga gadget tulad ng laptop, desktop, tablet o smartphone ay maaari nang magklase ang guro at makipag-interaksyon sa kanyang mga mag-aaral ng virtual.
May dalawang klase ng Online Distance Learning, ito ay ang synchronous na kung saan aktuwal na magtuturo ang guro sa harap ng laptop upang ipaliwanag ang mga aralin sa araw na iyo kasabay sa talakayan ang mga mag-aaral na mag-oonline din.
Ang asynchronous naman ay hindi sabay na talakayan ng guro at mag-aaral. Maaaring gumawa ang guro ng video lesson na siyang papanoorin ng mga mag-aaral kasabay ang mga links kung saan magsasagot ang mga bata bilang kanilang quiz, test o performance task para sa partikular na aralin.
Dahil sa hindi naman lahat ng mag-aaral ay may access sa internet nagkaroon din ng Radio and TV-based Instruction, dito gamit ang radyo at telebisyon maaaring making at manood ang mga mag-aaral ng kanilang mga aralin. Naging mainam ang ganitong pamamaraan lalo na sa mga lugar na di abot ng signal ng internet o mahina.
Tunay ng ana hindi pinabayaan ng pamahalaan na di mabigyan ng edukasyon ang ating mga kabataan kahit may banta ng sakit sa paligid. Tama ang kasabihan na “kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.”
At kahit ano pa man ang dahilan o hamon na ating haharapin sa pagbibigay ng maganda at kalidad na edukasyon ito ay tiyak nating mapagtatagumpayan dahil sa ating pagtutulong-tulong at pag-asa sa sarili, pag-asa sa bansa at pag-asa sa Poong Maykapal na muling babangon ang bansa mula sa dagok ng pandemya.