By PIO Los Baños
Los Baños, Laguna – Ang “Disyembre na!” ay taunang selebrasyon sa Los Banos, kung saan ipinagdiriwang ng bayan ang pagsapit ng Kapaskuhan.
Sa pangunguna ni Mayor Anthony “Ton” Genuino at sa pamamagitan ng Los Baños Tourism Office, inilunsad ang dalawang patimpalak upang mas panabikin pa ang mga mamamayan ngayong Christmas month.
Una na rito ang paghahanap ng mga talento sa pag-awit, koro at pagtipa ng gitara. Dito ginanap ang Gitaharana Acoustic Contest at Barangay Chorale Contest sa Activity Area ng Munisipyo noong Lunes, Nobyembre 28, 2022. Layunin nitong makadiskubre pa ng iba’t ibang talento sa bayan ng Los Banos,” pahayag ni Tourism Officer-in-Charge Edmarie Calungsod.
Itinanghal na 2nd runner up para sa Gitaharana Acoustic Contest sina Cyril Sabao at Clint Dimaano, 1st runner up sina Elmerly Joy Perante at Ardee John Recarido, at nasungkit naman nina Chris Daniel Pascual at Lars Matthew Lorenzo ang pagigig Grand Champion.
Para naman sa Barangay Chorale Competition, nagwagi ang Barangay Anos bilang 2nd runner up, Brgy. Mayondon ang 1st Runner up at ang Brgy. San Antonio naman ang itinampok na Grand Champion. Ang lahat nang nagsipagwagi ay nag-uwi rin ng cash prizes at plaques.
Sinabi naman ng Alkalde na higit pa niyang pagagandahin ang mga programa at aktibidad ngayong panahon ng Kapaskuhan para sa kasiyahan ng mga mamamayan ng Los Baños.