ni Kevin Pamatmat
MAJAYJAY, LAGUNA–Nagsagawa ang Majayjay Livelihood Association (MLA) ng isang pagsasanay para sa mga Barangay Human Rights Action Officers (BHRAO) mula sa 40 barangay upang maturuan sila kung paano gumawa ng powder detergent, toilet cleaner at fabric softener.
Luyunin ng pagsasanay na ito na mabigyan sila ng kaalaman sa paggawa ng sariling mga produkto a maaari nilang magamit sa pang araw-araw at makatipid sa gastusin sa bahay.
Maaari rin nila itong magamit sa pagsisimula ng negosyo na makakatulong sa pag-angat ng antas ng kanilang mga pamumuhay.
Dumalo sa pagsasanay si Mayor Romy P. Amorado bilang panauhing pangdangal at pagpapakita ng kanyang suporta sa mga miyembro ng BHROA.