Tinanggap ni Gobernador Ramil Hernandez (nasa kanan) kasama si G. Aldwin Cejo ng Laguna PDRRMO ang parangal na BEYOND COMPLIANT dahil sa suporta at pagtutulong-tulong katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa 22nd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Council and Offices na ginanap sa Manila Hotel sa Maynila nitong Disyembre 07, 2022. Ito ay patunay sa husay, galing sa pagseserbisyo at sa pagsusumikap na maitaas ang antas ng serbisyo publiko sa lalawigan sa panahon ng krisis at kalamidad. Labinlimang (15) local government unit (LGU) ng Laguna ang umani ng 2022 Gawad Kalasag (KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal na iginawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Basahin ang kabuuang detalye sa: https://l.facebook.com/l.php (Jun Sapungan/Laguna PIO)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.