SANTA ROSA CITY, Laguna — Pormal na inilunsad noong Agosto 15, 2025 sa lungsod na ito ang Unified PWD ID System na isang makabagong sistema na naglalayong wakasan ang paggamit ng pekeng PWD ID at pabilisin ang pagkilala, pag-verify, at pagbibigay ng benepisyo sa mga lehitimong taong may kapansanan.
Ang inisyatiba ay pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council on Disability Affairs (NCDA). Kasama naman sa technical working group ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Health (DOH), at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay NCDA Executive Director Glenda Relova, layunin ng sistema na tuluyang wakasan ang paggamit ng pekeng PWD ID, isulong ang inclusivity, at tiyakin ang mas maayos na access ng mga lehitimong PWD sa kanilang mga karapatan at pribilehiyo.
Kabilang ang Santa Rosa sa limang piling LGU sa buong bansa na sumailalim sa pre-test, mula sa kabuuang 35 LGU na kasama sa pilot testing. Sa paglulunsad, nagsagawa ng end-to-end demonstration para sanayin ang mga kawani ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa tamang pag-e-encode ng data ng mga PWD.
Tampok sa bagong ID ang digital version na maaaring ma-access sa pamamagitan ng mobile app o web portal, at may scannable QR code para sa mabilis at ligtas na pag-verify ng mga negosyo at institusyon.
Nagpasalamat si Mayor Arlene B. Arcillas sa DSWD sa pagtitiwala sa lungsod na maging bahagi ng nationwide pilot:
โ๐๐ฉ๐ช๐ด ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฉ๐ช๐ฑ ๐ธ๐ช๐ญ๐ญ ๐ฉ๐ฆ๐ญ๐ฑ ๐ถ๐ด ๐ด๐ต๐ณ๐ฆ๐ข๐ฎ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ช๐ง๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ค๐ฆ๐ด๐ด๐ฆ๐ด, ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ท๐ฆ ๐ฅ๐ข๐ต๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ๐บ ๐๐๐ ๐ช๐ฏ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ข ๐๐ฐ๐ด๐ข ๐ค๐ข๐ฏ ๐ฆ๐ฏ๐ซ๐ฐ๐บ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฃ๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ง๐ช๐ต๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ๐ด ๐ต๐ฉ๐ฆ๐บ ๐ฅ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ฆ,โ ani ni Mayor Arlene.
Dagdag pa ni Mayor Arlene, mahalagang ambag ang Unified PWD ID System sa pagsulong ng Santa Rosa bilang isang Smart City, kung saan ang teknolohiya ay ginagamit upang pahusayin ang serbisyong panlipunan.
Bilang unang lungsod sa Laguna na nagpapatupad ng Unified PWD ID System, muling pinatutunayan ng Lungsod ng Santa Rosa ang pamumuno nito sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa mas episyenteng serbisyo at mas inklusibong pamayananโlalo na para sa kapakanan ng ating mga taong may kapansanan.