Ulat mula sa CIO-SPC
San Pablo City, Laguna–Mga bagong plano at programa ang naging buod ng mensahe ni Mayor Vicente B. Amante sa naging selebrasyon ng kanyang First 100 Days Accomplishment Report na ginanap sa San Pablo City Multi-Purpose Convention Center nuong October 10, 2022. Kaalinsabay nito ay isinagawa na rin ang blessing and ribbon cutting upang pormal na buksan ang Convention Center na pinamunuan ni Msgr. Jerry V. Bitoon.
Batay sa mensahe ng butihing punonglunsod upang lalo pang pag-ibayuhin ang medical services ay bibili ang lunsod ng MRI, CT Scan at pagpapatayo ng ICU sa SPC General Hospital. At sa bahagi naman ng Malasakit Center ay lubos ang kanyang pasasalamat kay Sen. Bong Go para sa karagdagang pondo sa medical assistance. Upang maisulong naman ang food stability at agricultural programs ng lunsod ay bibili ng isang 4 has. na agricultural land.
Rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga road networks, pagpapaunlad ng edukasyon, pagbibigay ng mas marami pang hanapbuhay sa mga mamamayan at pagsasaayos ng waste disposal system ang ilan lamang sa bibigyan ng prayoridad ng punonglunsod.
Sa huli ay lubos na pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa mahalagang okasyong ito sa pangunguna nina Cong. Loreto Amante, 3rd District ng Laguna; Vice-Gov. Karen Agapay; Board Members Karla Lajara, Abi Yu at Yancy Amante; City Admin. Larry Amante. Pasasalamat rin sa pagdalo ni Former Congresswoman Ivy Arago at ng mga pinuno at kawani ng pamahalaang lunsod; punongbarangay; pangulo ng iba’t-ibang Local Special Bodies; DILG Family; BHW, BNS; samahang sibiko; miyembro ng media; mga national agencies at iba pang mga panauhin.
Pagkilala at pasasalamat rin sa kanyang pamilya sa pagmamahal at suporta at sa iba pang naging susi ng kanyang tagumpay sa unang isandaang araw ng kanyang paglilingkuran.