The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home News

Kapitana Rosalinda ‘Rose’ Diamante Alcantara ng San Lucas 2

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
June 8, 2023
in News
Reading Time: 2 mins read
Kapitana Rosalinda ‘Rose’ Diamante  Alcantara ng San Lucas 2
9
SHARES
33
VIEWS
Ulat ni Sandy Belarmino
Seven Lakes Press Corps
Noon pa mang una’y kilala na ng may-akda si Kapitana Rose Diamante Alcantara ng San Lucas 2 sapagkat malapit ang aming pamilya sa mga nagmamay-ari ng kompanyang kanyang matagal na pinagtrabahuhan bilang Sales Manager.
Bukod dito’y ang angkan ni Rosalinda gaya ng Kanyang Lolo na naging Kapitan del Baryo ng San Lucas 2 na si Tomas Martinez,  tiyuhing sina dating Barangay Chairmen Godofredo ‘Godo’ Diamante at Lucas Gutierrez ay pawang naging malapit na kaibigan ng aking yumaong amang si dating Executive Assistant to the City Mayor Andres De Rama Belarmino Sr. Ika nga’y talastas ng may-akda na mula sa angkan ng mga magagaling na lingkod bayan itong si Kapitana Rosalinda Rose Martinez Diamante Alcantara.
Ipinanganak si Diamante-Alcantara noong Agosto 20, 1962, nag aral at nagtapos ng elemenrarya sa San Lucas 2 Elementary School, Sekondarya sa San Pablo Trade School (ngayon ay LSPU) at Kolehiyo sa Associated Technical Institute. Ipinagpatuloy rin ang unang pangarap na maging piloto ng eroplano subalit naagaw ng sobrang kaabalahan sa pagiging working student at kaagapay ng mga magulang sa mga pangangailangan ng kanilang tahanan.
Siya’y kasal kay Ginoong Ruben Benedicto Esguerra Alcantara na tulad niya’y isa rin mahusay na Sales Representative. Nabiyayaan ng dalawang supling kapwa tapos na rin ng pag aaral sa kolehiyo at may matatatag nang hanapbuhay.
Maituturing napakaalwan na ang pamumuhay ng mag-asawang Rosalinda at Ruben sapagkat bukod sa sariling impok at naatikhang mga kabuhayan ay may mga minana pa mula sa kani-kanilang pamilya. Pwede na ngang mag- enjoy bilang mga nakakatandang mamamayan ng San Lucas 2 at hintayin na lang ang pagluwal at paglaki ng magiging mga apo?
Subalit dumarating sa buhay natin ang hindi inaasahang Tawag ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng mga instrumentong taong Kanyang gagamitin upang ating tanggapin at yakapin ang kapalarang ipagkakaloob.
Sa darating na Halalang Pangbarangay 2023 ay ipinapahayag ni Ginang Rosalinda ‘Rose’ Diamante Alcantara ang kanyang marubdob na hangaring mapaglingkuran ang San Lucas 2 ng Lungsod ng San Pablo bilang Barangay Chairwoman o Kapitana.
Goodluck Kapitana Rose!
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Previous Post

SUGA A.K.A. AGUST D’S HIGHLY ANTICIPATED D-DAY TOUR LIVE VIEWING AT SM CINEMA

Next Post

Calabarzon top cop receive Asia’s Golden Icon award

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

May 28-June 3, 2025 Issue (Vol. 44 No. 28)

May 28-June 3, 2025 Issue (Vol. 44 No. 28)

May 27, 2025
DMC OPERATIONS IS OUTSIDE THE SIERRA MADRE PROTECTED AREA

DMC OPERATIONS IS OUTSIDE THE SIERRA MADRE PROTECTED AREA

May 22, 2025

Fighting corruption and knowing the enemy

‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

Building Strong Foundations: The Crucial Role of Literacy and Numeracy Intervention in Elementary Education

KAHALAGAHAN NG ISANG DEMO FARM

Latest Stories

May 28-June 3, 2025 Issue (Vol. 44 No. 28)

May 28-June 3, 2025 Issue (Vol. 44 No. 28)

May 27, 2025
DMC OPERATIONS IS OUTSIDE THE SIERRA MADRE PROTECTED AREA

DMC OPERATIONS IS OUTSIDE THE SIERRA MADRE PROTECTED AREA

May 22, 2025
Fighting corruption  and knowing the enemy

Fighting corruption and knowing the enemy

April 26, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In