Kapansin-pansin ang masayang pagngiti ni Maslun Punong Barangay/Liliw ABC President Hedeliza “Heidi” V. Monfero habang ginugupit nina Congressman Loreto S. Amante ng 3rd District of Laguna at Liliw Mayor Ildefonso D. Monleon ang laso na nagbabadya ng pormal na pagbubukas/pagpapasinaya sa bagong gawang Multi-Purpose Building na natayo sa inisyatibo ng mambabatas, sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH), noong nakaraang Huwebes, Agosto 15, na ang pagdiriwang ay dinaluhan din nina Vice Mayor Ericson J. Sulibit at Laguna’s 3rd District Engineering Office Head, District Engineer Napoleon T. Abril, at mga pinunong bayan ng Liliw. Ang bagong gusali ay magiging sentrong pampangasiwaan ng Barangay Maslun. Ang Maslun ay isa sa limang barangay sa Poblacion na ang populasyon ay naglalaro sa 2,600 katao, at magsisilbi ring sentro sa pagpapakilos sa may 33-miyembrong Liga ng mga Barangay-Liliw Chapter. (Ruben E. Taningco/Photo: Diogenes L. Bunquin)
The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.