The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home News

Gem Castillo-Amante, may payo sa mga lalahok sa job fair

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
November 22, 2023
in News
Reading Time: 2 mins read
Gem Castillo-Amante, may payo sa mga lalahok sa job fair
12
SHARES
44
VIEWS
ni Ruben E. Taningco
SAN PABLO CITY, Laguna–Bilang kasalukuyang City Public Employment Services Office (PESO) Manager, pinahahalagahan ni G. Pedrito D. Bigueras ang mga payong-paalaala ni Gng. Gem R. Castillo-Amante, Unang Ginang ng Lungsod, sa mga naghahanap ng gawain o trabaho sa pamamag-itan ng pagdalo sa job fair na sa pana-panahon ay itinataguyod ng City Government of San Pablo o ng iba’t ibang civic organization na maayos na ihanda ang sarili bago magtungo sa “job fair site,”  halimbawa ay sa Paseo de San Pablo sa Barangay San Jose, o sa SM City San Pablo sa Barangay San Rafael.
Una, ayon sa Unang Ginang ay dapat  alamin kung ano ang ginagawa sa pabrika o tanggapang na nag-aalok ng gawain, at magkaroon ng kabatiran sa mga gawain upang maiugnay ang  mga pansariling kaalamam at kasanayan sa nabanggit na gawain.
Ikalawa, ihanda ang sarili sa “interview” at hindi masama ang magpraktis sa tulong ng isang kaibigang may mga karanasan na sa pagdalo sa mga job fair, upang magkaroon ng ideya kung ano-ano ang mga karaniwang tanong ng mga nag-aalok ng gawain. Magpraktis upang magkaroon ng tiwala sa sarili at maging kalma sa panahon ng interview.
Ikatlo, maging maayos ang pananamit sa pagtungo sa job fair upang maging maayos ang personalidad sa pagharap sa mga kinatawan ng nag-aalok ng gawain. Na kung mayroon, ay magdala ng nakahanda ng resume, barangay clearance, police clearance,  at iba pang dokumento na karaniwang hinihingi sa mga nag-a-apply sa isang trabaho, sapagkat kalakaran na iyong may mga dala ng “document” ang naha-hired-on-the-spot o HOTS.
Ipinaaalaala rin ni Unang Ginang Gem R. Castillo-Amante ayon kay PESO Manager Pedrito D. Bigueras na bago umalis ng  tahanan upang magtungo sa job fair site,  ay Manalangin Sa Diyos na hilinging siya ay matanggap sa gawain na kanyang aaplayan, na ang establisemyentong kanyang mapapasukukan ay umiiral ang kapayapaan sa paggawa, at may maayos na pasunuran.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Previous Post

Welcome lahat kay Cong. Amben

Next Post

PUBLIC POLICY SCHOLARSHIP GRANT PARA KAY VG KAREN AGAPAY

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

Laguna residents crowd Action Centers;  medical, burial aid now more accessible

Laguna residents crowd Action Centers; medical, burial aid now more accessible

July 15, 2025
Aboitiz Renewables, Foundation win award for IP women livelihood program

Aboitiz Renewables, Foundation win award for IP women livelihood program

July 15, 2025

More nutrition learning hubs to rise soon in Calabarzon

Calabarzon PNP activates upgraded 911 emergency hotline

Quezon LGU tightens enforcement of ‘no balance billing policy’ in public hospitals

DOJ: Gov’t ‘all-in’ on solving missing sabungero case

Latest Stories

Laguna residents crowd Action Centers;  medical, burial aid now more accessible

Laguna residents crowd Action Centers; medical, burial aid now more accessible

July 15, 2025
Aboitiz Renewables, Foundation win award for IP women livelihood program

Aboitiz Renewables, Foundation win award for IP women livelihood program

July 15, 2025
More nutrition learning hubs to rise soon in Calabarzon

More nutrition learning hubs to rise soon in Calabarzon

July 15, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In