Ni Nayla C. Pasco
Edukasyon sa Pagpapakatao Coordinator
Col. Lauro D. Dizon Memorial
Integrated High School
Ngayon panahon ng pandemya lahat tayo ay nabubuhay sa nakasasabik na panahon ngunit puno ng hamon dulot ng pandemya.Mabilis lumipas ang panahon sa loob ng dalawang taon nabuhay tayo na balot ng pangamba at pag-asa na may bukas na masisilayan na wala na ang salot na virus na nagdudulot ng takot sa bawat isa,subalit lalo’t higit sa mga kabataang mag-aaral dahil di na nila nasilayan ang apat na sulok ng silid-aralan.Di tayo sumuko di napigilan ang marubdob na pagnanais na matuto,magkaroon ng bagong kaalaman,makipag-ugnayan sa lahat ng paraan upang matuloy ang daloy ng karunungan para matamo ang inaasam na magandang buhay.
Ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa naging kalasag ng mga mag-aaral upang maging matatag sa ganitong hamon ng buhay, tuloy ang laban,tuloy ang pag-aaral.Sa tulong ng teknolohiya nagkaroon ng mga pamamaraan upang maabot ng mga guro sa ESP ang mga kabataang nagpupursiging makatapos sa gabay ng mga magulang napagtagumpayan ng bawat mag-aaral online man o modular class, nabalik ang sigla ang liwanag na makakamit ang pangarap sa kabila ng pandemya.
Patuloy ang pagsasagawa ng mga programa ng departamento sa tulong ng mga religious group at ibat-ibang samahan upang mapagtagumpayan ang mga layuning nilalatag sa sa taong punuruan. Nakapagsagawa ng mga programa ukol sa paglinang ng Ispiritwaliad at Moralidad ng mga kabataan sa tulong ng Alagad ni Maria at Mary Help of Christian Crusade,nagkaroon ng mga Gawain na luminang sa kagandahang asal at pakikipag kapwa tao sa pamamagitan ng “feeding program” at “gladly gift giving”. Nagpatuloy sa pagsasanay ang mga guro upang mas higit na maiangkop ang kaalaman sa tinatawag na Edukasyon sa New Normal sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga INSET at SLAC sa paaralan.
Sa kabila ng pandemya di nagpahuli ang Edukasyon sa Pagpapakatao sa paglahok sa mga paligsahan pang rehiyon at pinalad na magwagi bilang tandan a walang makakahadlang sa mga kabataang marubdob pagnanasang matamo ang magang kinabukasan sa gabay ng mga guro,magulang at mga grupong kaagapay ng paaralan. Ang Batang Dizonian patuloy na tatayo at lalaban kahit pandemya matatamo ang “Magandang Buhay”.