NI SANDY A. BELARMINO
PRESIDENT, SEVEN LAKES PRESS CORPS
STA. CRUZ, Laguna–Oktubre 6 umaga ay ganap nang naging opisyal ang pagkandidato nina Sta. Rosa Cong. Dan Fernandez bilang Gobernador at San Pablo City First Lady Gem Castillo- Amante bilang Bise-Gobernadora ng Laguna matapos makapagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Provincial Office ng COMELEC na matatagpuan sa Provincial Capitol Compound, ng bayang ito.
Dinaluhan ng libo-libong mga tagapagtaguyod na nagmula sa iba’t ibang Bayan at lungsod ng lalawigan ang pagpafile ng Tambalang DANGEM kung kaya’t madami ang nakapansing ito na raw marahil ang maituturing na isa sa pinakamadaming Lagunenseng nagpakita ng maagang pagsuporta sa pagsusumite pa lang ng COC.
Nakapiling din nina Fernandez at Castillo-Amante ang madaming incumbent and former public officials ng lalawigan pati na rin ang kani-kanilang kapamilyang todo-todong sumusuporta para sa 2025 Midterm Election.
Habang isinusulat ang balitang ito ay inaantabayanan pa natin ang pagpapafile ng ibang mga kakandidato sa pagkagobernador at bise-gobernador ng Laguna.