ni Caryll Araza
Idinaos ng CLIMBS Life and General Insurance Cooperative sa pamumuno ni President Noel Raboy kasama ang Co-operative College of the Philippines ang Coop Climate Summit 2022 noong ika-23 ng Nobyembre taong kasalukuyan sa Philippine International Convention Center na may temang Cooperatives for Climate Action and Education kung saan tinalakay dito ang mga pamamaraan kung paano masosolusyunan ang masamang epekto ng climate change na labis na nakakaapekto sa pang-araw araw nating pamumuhay.
Nilahad sa naturang summit ang kahalagahan na maunawaan ng publiko ang epekto ng climate change at kung ano ang karampatang aksyon sa suliraning ito.
Dumalo sa Coop Climate Summit 2022 ang iba’t-ibang kooperatiba at mga kinatawan mula sa ilang national government agencies gaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA),
Cooperative Development Authority, Department of Agriculture, at Philippine Crops Insurance Corporation.
Punung-puno sa bagong kaalaman ang hatid ng summit kung saan binigyan-diin ng mga tagapagsalita mula sa mga piling ahensya ng gobyerno at NGOs na ang climate change ay isang seryosong usapin na hindi ipinagsasawalang-bahala at nararapat na pagtuunan ng pansin.
Ilan sa mga paksang pinag-usapan dito ay ang malaking epekto ng climate change sa sektor ng agrikultura na nagiging dahilan ng food insuffiency o kakulangan sa pagkain ng bansa.
Itinampok ng Department of Agriculture, PAG-ASA, at Philippine Crops Insurance Corporation ang mga tool at mga programa nito para mabawasan ang epekto ng climate change gaya ng climate risk vulnerability assessment maps, at climate information systems na makakatulong sa ating mga kababayan partikular na sa ating mga magsasaka.
Pinakahighlight ng summit ang pagpapakilala ng bagong produkto ng CLIMBS Life and General Insurance Cooperative, ang parametric insurance na makakatulong sa ating mga kooperatiba at ating mga kababayang magsasaka lalung-lalo na sa panahon ng kalamidad. ito ang ating itatampok sa susunod nating column. Abangan!
Napagtanto ko na ang mga impormasyong nakalap ko sa summit na ito ay dapat makarating sa atensiyon ng ating mga kababayan.
Ang pribilehiyo na ipinagkaloob sa akin bilang media practitioner ay isang magandang instrumento para makatulung sa gobyerno na ipaintindi sa publiko ang mga tools at mga progrmm na mayroon an D-A, PAG-ASA, at P-C-I-C sa madaling salita o layman’s term.
Sa pamamagitan nito ay mas magiging madali sa ating magsasaka ang pagdedesisyon kung kailan at ano ang kanilang itatanim sa kanilang mga sakahan.
Inaanyayahan ko din ang aking mga kasamahan sa media na makiisa sa ating pamahalaan na iangat ang kamalayan ng ating kapwa Pilipino sa mga serbisyo, at mga programa na makakatulong sa kanila para malabanan ang climate change.
Sa tagumpay ng isinagawang Coop Climate Summit 2022 ay napatunayan natin na malaki talaga ang ambag ng sektor ng kooperatiba hindi lamang pagdating sa kabuhayan kundi pati sa pangangalaga ng ating kalikasan
Mabuhay ang CLIMBS Life and General Insurance Cooperative at ang Co-operative College of the Philippines sa napapanahong programa para matugunan ang epekto ng climate change sa bansa
Kagaya ng ACDI MPC, ang CLIMBS Life and General Insurance Cooperative ay isa sa mga pinakamalalaking kooperatiba sa bansa na sa kasalukuyan ay binubuo ng nasa limang libong kooperatiba at walong (8) milyong policy holders sa buong Pilipinas.
Isang pagpupugay sa mga kooperatiba gaya ng ACDI Multipurpose Cooperative at General Insurance Cooperative para sa natatanging kontribusyon sa pangangalaga ng ating kalikasan at sa komunidad.
Bilang panghuli, ay pinapasalamatan ko si ACDI Chairman Retired Major General Gilbert Llanto sa pagkakataong ibinigay sa akin na makalahok sa Coop Climate Summit 2022.
Mabuhay ang samahang kooperatiba!