ni: Dr. Adeline M. Montefalcon
Master Teacher I/ School LRMDS Coordinator
SDO Laguna, Nagcarlan Sub Office
Plaridel Elementary School
Isang hapon ng Lunes, napansin ng guro ang isang mag-aaral na si Carding. Malungkot ang bata at parang may iniisip. Nilapitan ng guro ang bata at napag-alaman niya na ayaw na ng batang pumasok ng paaralan dahil nahihirapan siyang magsulat ng kabitkabit. Taglay ni Carding ang pagiging marunong na mag-aaral. Sinisikap niyang maging maayos sa lahat ng bagay. Masinop siya sa lahat ng kanyang mga kagamitan. Gusto niya lahat ay nasa tama.
Tanging isang bagay lang ang humahamon sa kanyang pasensya. Ito ay ang kabiguan niyang makapagsulat nang maganda. Sinusukuan niya ang pagsulat nang kabit-kabit dahil hindi niya ito mapaganda. Dahil sa hindi siya sanay sa sitwasyong ganito, pakiramdam ni Carding, pansan na niya ang daigdig.
Isang matamis na ngiti lang ang iginawad ng guro kay Carding at niyaya nito ang bata na bumalik sa silid-aralan; upang maturuan ito nang isang mas madaling paraan nang maayos na pagsulat.
Bagay na ikinatuwa ni Carding nang marinig sa guro na may pag-asa pang gumanda ang kanyang pagsulat.
Itinikom ng guro ang kanyang bibig at saka nagsimulang magpakita ng isang paraan nang pagsulat. Nakati ngin lang si Carding sa kamay ng guro habang ito ay abala sa pagsusulat. Ito ang wastong paraan upang maging maayos ang pagpapakita nang pagsulat.
Maya-maya, nakangiti na si Carding habang ginagaya kung paano ang ginawang pagsulat ng guro. Nagpasalamat si Carding sa guro bago tuluyang umalis. Nangako ang batang muling babalik kinabukasan upang ituloy ang pagsasanay sa pagsulat.
Para sa kabatiran ng lahat, Caligraphy ang itinurong paraan ng guro kay Carding. Magsisilbing “tulay” ito upang ang kinasanayang pagsulat ni Carding na dating patuwid lamang ay hindi agad-agad inaasahang makakayakap sa pagsasanay na pakurba lalo’t higit na alam nating may indibidwal na pagkakaiba ang bawat magaaral. Subalit isang hamon sa bawat guro ang maturuan ang mga bata nang wastong pagsulat na kanilang ikaliligaya.
Kung kaya’t narito ang mga letra na sinubukan ni Carding sulatin na nakapagpabago nang kanyang pasyang pagbabalik sa susunod na araw.
Panuto: Atin itong isabuhay. Subukang sulatin at alamin kung ito ba ang tamang paraang angkop rin sa iyong kalagayang tulad ni Carding?