Matagumpay at mapayapa ang eleksyon ng mga SK Federation officers ng Lunsod ng San Pablo na isinagawa sa Convention Hotel sa Brgy. San Jose noong Nobyembre 15, 2023 kung saan naihalal bilang pangulo si SK Chairperson Bhenj Stephen A. Felismino ng Brgy. San Cristobal.
Nahalal naman na vice-president si SK Chairperson Eldrich Khristoffer B. Villanueva ng Brgy. II-B, secretary si Andrea Nicole A. Reyes ng Sta. Isabel, treasurer si Crizza Joi R. Celino ng Del Remedio, auditor si Alliah Jean P. Rosette ng San Lucas I, PRO si Maricar D. Escriba ng San Antonio I, at sergeant-at-arms si Edgar Janus G. Malabuyoc ng IV-C.
Ang Board of Directors ay binubuo nina Monica F. De Villa ng Sta. Monica, Gil Mae-vin P. Baldovino ng. Sto. Cristo, Berlyn M. Estrella ng. San Francisco, Juan Carlo G. Alcantara ng V-C, Marella Regin A. Nunag ng VII-D, Joseph P. Race ng San Miguel, Nikolai M. Miranda ng II-E, Eugene B. Flores ng Santiago I, Kenneth L. Punzalan ng Stmo. Rosario, Adlin R. Pasia ng Concepcion at Prince CJ G. Lara ng II-D.
Dumalo sa eleksyon ang 79 na SK chairpersons mula sa 80 na barangay ng Lungsod ng San Pablo, kasama ang City Board of Election Supervisors (BES) at Municipal Panel of Observers.
Ang BES ay binubuo nina CLGOO VI Maria Alma L. Barrientos ng DILG; COMELEC Officer Patrick Arbilo at Sangguniang Panglungsod Secretary at Rufo Millar.
Binubuo naman nina PLt.Col. WIlhelmino Saldivar, Jr., COP-San Pablo; Pastor Rico Albano, CSO Representative at Allan Victor Katigbak ng DEPED ang Panel of Observers.
Pagkatapos ng eleksyon ay nanumpa ang mga nagwaging SK Federation Officers kay Mayor Vicente B. Amante.
Kasama ring dumalo sina Vice-Mayor Justin G. Colago, Board Member Yancy Amante, Councilor Lou Vincent B. Amante at outgoing SK Federation President Pamela Liberty E. Capuchino. (CIO/Nickson/Nanz/Athan/Joemari/Ced/Bok)