ni Christopher Hedreyda, PIA-Laguna
Pinangunahan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Enrique Tayag, DOH IV-A Assistant Regional Director Dr. Leda Hernandez, at Pagsanjan Mayor CESAR V. AREZA ang
Bakunahang Bayan: Biyayang Proteksyon sa Paskong Pilipino sa Areza Mall and Shopping Complex, Pagsanjan, Laguna ngayong Disyembre 6, Martes.
Layon ng Bakunahang Bayan na mapataas pa ang COVID-19 vaccination coverage para sa pediatric population o edad 5-11 taon. Nagkaroon din ng routine vaccination para sa mga edad 0-23 months.
Ayon kay Usec. Tayag, maituturing na unang regalo ngayong Kapaskuhan para sa mga kabataan ang kaligtasang dala ng COVID-19 vaccine na mabisang pananggalang laban sa sakit.
Hinimok naman ni Dr. Hernandez ang bawat isa na magpabakuna o tumanggap ng COVID-19 booster shot at sumunod sa mga minimum health protocols upang makaiwas sa sakit at makapag-saya nang malusog ngayong Pasko.