San Pablo City, Laguna–Sa pangunguna ni Atty. Arnulfo H. Pioquinto, Provincial Election Supervisor, COMELEC-Laguna kasama sina Election Officer Lara Monica C. Urbanozo ng Alaminos; Acting Election Officer Patrick H. Arbilo ng San Pablo City; Election Officer Randy P. Banzuela ng Rizal, at Election Officer Bonifacio Glenn L. Coronado ng Cavinti ay ipinaliwanag ang mga bagong features ng Voting Counting Machine o VCM sa naganap na 2022 NLE VCM Road Show noong nakaraang Miyerkoles ng umaga sa San Pablo Central School Gymnasium na dinaluhan ng mga opisyales ng barangay, mga guro, kinatawan ng mga kandidato, miyembro ng media at watchers ng 3rd District ng Laguna.
Nagkaroon rin ng Mock Election bilang patunay sa mga dumalo na ang VCM ay may accurate na resulta. Ilan sa mga bagong features nito o ay ang pagkakaroon ng Electoral Board o EB Assignment, kung saan ini-encode ang mga pangalan ng mga EB na naka-assign sa isang presinto at naka-print na rin ang mga pangalan sa resulta ng balota. Ipinaliwanag naman nina Election Officers Urbanozo at Arbilo ang mga safety features ng VCM at mga dapat gawin sa araw ng eleksyon.
Nakiisa rin sa nasabing VCM Road Show sina DILG-San Pablo City LGOO Maria Alma L. Barrientos; Lt. Col. Garry C. Alegre, Chief of Police, at Election Assistant Isabel B. Cabisuelas, SPC Election Office. (CIO-San Pablo City)