The Wednesday Herald
No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US
The Wednesday Herald
No Result
View All Result
Home News

Aralin sa Araling Panlipunan: Madaling Sauluhin, Mahirap Isabuhay

The Wednesday Herald by The Wednesday Herald
December 7, 2022
in News
Reading Time: 2 mins read
The Wednesday Herald – One of Laguna’s Oldest and Most Trusted Weekly Newspaper
6
SHARES
24
VIEWS

Ni: Ester G. Banaag
T3-Calauan Central ES
Calauan Sub Office

Ang Araling Panlipunan ay isa sa mga asignaturang tinuturo sa paaralan na mukhang madaling matutunan ng mga bata. Lalo na ang mga simple aralin tulad ng pagiging makabayan, pagiging maka-bansa o pagmamahal sa lupang tinubuan.
Madaling tandan ang mga aralin sa AP lalo na kung hindi ito kailangang sauluhin tulad ng mga current events at historical facts. Ang mga aralin katulad na may layuning gaya ng, maipakikita ang tamang saloobin sa wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa, ay madaling matutunan ng mga mag-aaral, pero ang mahirap dito ay yung ipakita at gamitin ito sa totong buhay.
Madaling ipaliwanag sa mga bata ang mga epekto ng pagtatapon ng basura kung saan-saan, pero ang isapuso ito ay lubhang mahirap. Nangangailangan ito ng maraming panahon, maraming paalala at gabay upang maipakita nila sa kanilang mga kilos sa loob at labas ng paaralan ang kanilang mga natutunan.
Mahirap ding masabi na natutunan nila ang pagmahal sa bansa kung sa simpleng pagtayo sa tuwing inaawit ang Lupang Hinirang ay hindi nila magawa. Kasama na dito ang pagbigkas ng Panatang Makabayan na hindi naman nila ginagampanan sa totoong buhay.
Ilan sa mga panatang kasama doon ay, “susundin ko ang tuntunin ng paaralan”. Tunay na madaling bigkasin pero hindi lahat ay sumusunod sa mga simpleng alituntunin ng paaralan, kagaya ng pagpila sa kantina, pagsuot ng ID at pag-iwas sa pakikipag-away at iba pa.
Isa rin sa sinasaad ng Panatang Makabayan ay ang pag-aaral ng buong katapatan. Pero sa kabilang banda, hindi naman lahat ng bata ay tunay na nag-aaral ng mga aralin lalo na sa kanilang mga bahay.
Siguro bilang mga guro sa Araling Panlipunan, ating tiyakin na magagamit ng mga bata ang mga magagandang aral na hatid na asignaturang ito. Hindi lang dapat ito manatili sa kanilang mga isip, kung mas higit na maipakita ito sa kanilang mga gawa at kanilang mga puso.
Dahil ang tunay na batang Filipino ay batang maka-kalikasan, makatao, maka-Diyos at maka-bansa.

ADVERTISEMENT
Tags: Ester G. Banaag
ADVERTISEMENT
Previous Post

VG Karen Agapay, pinarangalan bilang Vice-Governor of the Year

Next Post

The Adversity of Education in Times of Modern Science & the Competitive World of Academics

The Wednesday Herald

The Wednesday Herald

Related Posts

Fighting corruption  and knowing the enemy

Fighting corruption and knowing the enemy

April 26, 2025
‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

April 26, 2025

Building Strong Foundations: The Crucial Role of Literacy and Numeracy Intervention in Elementary Education

KAHALAGAHAN NG ISANG DEMO FARM

The strength to succeed

Stay fresh and fabulous only at Beauty Camp Salon (BCS): Lalabas kang fresh!

Latest Stories

Fighting corruption  and knowing the enemy

Fighting corruption and knowing the enemy

April 26, 2025
‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

‘Alas-Kwatro Kontra Mosquito’ campaign, patuloy sa San Pablo

April 26, 2025
The Wednesday Herald – One of Laguna’s Oldest and Most Trusted Weekly Newspaper

Building Strong Foundations: The Crucial Role of Literacy and Numeracy Intervention in Elementary Education

April 26, 2025

The Wednesday Herald

The Wednesday HERALD is one the longest running community weekly newspaper circulating in the Province of Laguna. It is founded in 1981 by Nena Estrellado-Mallari, one of the frontrunners of print media in Laguna.

© 2022 The Wednesday Herald Website Design and Development by Neitiviti Studios.

No Result
View All Result
  • NEWS
  • WEEKLY ISSUES
  • NOTICES OF PUBLICATION
  • EXTRA-JUDICIAL SETTLEMENT
  • ADVERTORIALS
  • TEACHERS’ ARTICLES
  • CONTACT US
  • ABOUT US

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In