ni: Marissa Lourdes B Escueta
May tao akong hinahangaan taga malayong bayan,
Isang dukhang lalaking sa Barangay Bautista ay nananahan.
Mapagmahal, maalaga, at masipag na matanda
Palaging nag-iisip ng gawaing marangal at tama
Bakurang malawak hindi lang sampu ang pananim
Sariwang hangin kaysarap na langhapin
Makikita rin alagang manok na inahin
Mabuting libangan hatid ay masustansiyang pagkain
Sabik akong puntahan lugar ng aking masipag nalolo
Sana balang araw ay makarating ako sa kaniyang maliit na kubo
Isasama ko ang mga kaklase kong sina Kris, Ela at Gian Angelo
Maipagmalaki na rin ang masipag at mapagmahal kong lolo