Nina Kevin Pamatmat
at Roy Tomandao
NAGCARLAN, Laguna–Mapalad ang bayan ito dahil dito isinagawa ang kauna-unahang programa ng AKAY (Aral, Kalinga, Alaga at Yakap) Foundation sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga wheelchair sa mga persons with disability o PWDs.
Katuwang si dating 3rd District Representative Sol Aragones ay 200 mga kababayang may kapansanan ang nabibiyayaan ng programa.
Ayon sa isang benepisyaryo, naging emosyuna siya dahil dama ng bawat isa ang Alagang Sol at Agalang AKAY.
Sinabi ni Cheryl T. Yarra, kinatawan ng AKAY Foundation, na ginagawa nila ito sa mga tila matagal nang napabayaan sektor ng PWD.
Aniya, prayoridad nil ana matulungang mabago ang buhay at maging kapaki-pakinabang ang mga PWDs sa komunidad.
Idinagdag pa niya na kabilang din sa kanilang programa ay livelihood at scholarship.
Sa panayam kay Aragones, sinabi niya na ang Alagang ALAY ay mamahagi ng wheelchair sa buong Lalawigan ng Laguna, kalapit probiinsya at maging sa buong bansa.
Bagaman wala na umano siyang titulo ay patuloy pa din siyang humahanap ng mga tao at samahan na gustong tumulong sa Sol Aragones Foundation para sa mga kapakinabangan ng mga mamamayan ng Laguna.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Elmor dahil sa mga natanggap na wheelchair ng kanyang mga kababayang PWDs.
Nagbigay din ng mensahe ang isang PWD na si Dwight Bayona. Aniya, nais niya din tumulong sa mga katulad niyang may kapansanan na hindi sumuko sa kabila ng pagsubok sa buhay.
Ang AKAY Foundation ay nakatakdang mamahagi pa ng kanilang tulong sa lunsod ng Santa Rosa at Lucena City, at sa lalawigan ng Batangas.